Connect with us

Showbiz

Jericho Rosales, ibinahagi sa publiko ang mga mahihirap na trabahong pinasok niya noon bago pa man siya maging isang sikat na artista!

Published

on

Si Jericho “Echo” Vibar Rosales ay 42 taong gulang na aktor at modelo. Siya ay nakilala ng marami bilang si “Echo”.

Una na natin siyang napanuod sa talent search na “Mr. Pogi” ng Eat Bulaga! Maging hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa pinakasikat na artista ng kaniyang henerasyon.

Ultimate hunk actor at leading mankung bansagan siya ng marami. Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko ay marami rin palang pinagdaanang pagsubok at sakripisyo si Jericho.

Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya at talagang alam niya ang hirap nang walang maayos na tirahan at sapat na pera sa araw-araw. Kung kaya naman sa murang edad ay nagawa na niyang mangalakal ng mga lumang dyaryo at iba pang mga kalakal na maaring ibenta sa junk shop kapalit ng kaunting barya o di kaya naman ay cheese curls.

Nagbenta din siya ng ice buko, naranasang magbenta ang isda, maging isang barker ng dyip, pizza boy at driver. Tunay nga na hindi niya ikinahihiya ang mga pinagdaanan niyang ito noon.

Dahil dito ay mas nagpursige at nagsumikap siya sa buhay. Hanggang sa mabigyan siya ng break sa showbiz.

Dahil dito ay natupad niya ang kaniyang tanging pangarap noon para sa kaniyang pamilya na magkaroon sila ng maayos na bahay at kumita ng pera para sa kanilang araw-araw na

 

pangangailangan. Mahirap man ang kaniyang naging pagsisimula ay batid niyang mayroon siyang pangarap at matatag din ang pananalig niya sa Diyos.

Nilakipan niya ang kaniyang pananampalataya ng matinding kasipagan at dedikasyon sa trabaho. Dahil sa naging pursigido siya ng husto sa buhay ay di rin nagtagal at nakamit na niya ang lahat ng kaniyang pangarap.

Sa ngayon ay masaya at kuntento na siya sa kaniyang buhay kapiling ang kaniyang mga mahal sa buhay at ang kaniyang misis na si Kim Jones. Mayroon din siyang unico hijo sa dati niyang nobya na si Kai Palomares, ang 20 taong gulang na si Santino.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media