Connect with us

Showbiz

Kit Thompson, ipinakilala na sa publiko ang napakaganda at napakaseksi niyang nobya na si Ana Jalandoni!

Published

on

Marami sa atin ang talagang tutok sa mga personal na buhay ng mga iniidolo nating artista. Madalas kahit na nga nais nilang maging pribado ang kanilang buhay pag-ibig ay nasisilip pa rin natin lalo na ngayon na talagang laganap na ang paggamit ng mga social media platforms.

Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa nang ibahagi ng aktor na si Kit Thompson ang katauhan ng kaniyang napakaganda at napakaseksing nobya. Ito ay walang iba kundi ang rising star na si Ana Jalandoni.

Ang ibinahaging larawan ng aktor ay ang larawan nila habang magkasama sila sa isang dinner date. Ayon din sa kaniyang caption ay ito pala ang kanilang kauna-unahang date.

Nagkomento rin naman dito sa Ana at simpleng sinabi na “MyLove”. Agad din namang sumagot at aktor sa kaniya at nag-post din siya ng isang “smiling face” na mayroong heart-eyes emoji.

Si Ana ang bagong nobya ng aktor dahil nagkahiwalay na sila ng dating nobya nito na minsan na rin n iyang ipinahayag sa isang panayam noon. Ito ang unang beses na ibinahagi niya sa publiko na si Ana na ang bagong babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.

Bagamat ito ang unang beses na nakita at nakuhanan sila ng larawan nang magkasama, noon pa man ay naging bulong-bulungan na pala ng maraming netizens ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Marami kasi ang nakapansin sa komento ni Kit na “baby” sa isang seksing larawan ni Ana habang sumagot din naman ang huli ng “love love”.

Talaga namang nakakakilig ang chemistry ng dalawa. Marami sa kanilang mga kaibigan ang nagpahatid ng pagbati sa dalawa.

Maaalalang si Kit ay nakilala bilang isa sa mga housemates ng PBB Teen Edition 4 noong taong 2012 habang si Ana naman ay una nang nakilala bilang isa sa Cardo’s Angel sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano” taong 2019. Nabigyan na rin siya ng ilang mga pagkakataon na maging bahagi ng ilang mga pelikula noong Enero 2021 at nito lamang Oktubre 2021 kasama si Aljur Abrenica.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media