Connect with us

Showbiz

Silipin ang napakagandang family picture nina Baron Geisler at ng kaniyang buong pamilya!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang matatag at masayang pamilya ang talagang isa sa napakagandang biyaya na matatanggap natin mula sa Diyos. Hindi lahat ay nabibiyaan ng isang kumpleto at masayang pamilya kung kaya naman dapat nating ipagpasalamat ang bawat araw na kapiling natin ang ating mga mahal sa buhay.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natuwa nang ibahagi ni Baron Geisler sa publiko ang napakagandang family picture nila para sa holiday season. Kung noon ay madalas nating napapanuod at nababalitaan na si Baron ay nasasangkot sa ilang mga isyu at gulo lalo na sa mga kapwa niya artista, ngayon ay mas naging responsable na ito buhat nang magdesisyon siyang unahin ang kaniyang pamilya.

Nakilala niya ang kaniyang misis na si Jamie Marie Evangelista sa pinakamadilim na yugto ng kaniyang buhay ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa dumating na sa kanilang buhay ang kanilang anak na si Talitha Cumi noong Enero 2020 na siyang naging dahilan upang mas maging matibay at matatag ang kanilang relasyon.


Mas naging masaya at makulay din ang kanilang binubuong pamilya. Tunay nga na marami ang nagulat sa naging pagbabago na ito ng aktor ngunit mas marami ang natuwa at talagang nagkaroon ng inspirasyon upang mas maging maayos pa ang kanilang buhay at ang kanilang pamilya.

Sa naging panayam noon sa kaniya ay naibahagi niya na naging “soft” na raw ang kaniyang karakter mula nang magkaroon siya ng pamilya. Hindi na raw siya maangas tulad ng dati.

Ang angas daw niya ay ilalabas na lamang niya para sa kaniyang pamilya kung kinakailangan. Gayundin ay nais niyang magbanat ng buto para sa kaniyang asawa at mga anak at ayaw na rin daw niya ng gulo.

Kung sakaling magkakaroon man daw ng gulo sa kaniyang harapan ay marahil tatakbo na lamang siya dahil ayaw na niya ng kaaway sa ngayon, kundi kaibigan na lamang ang nais niya sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media