Connect with us

Showbiz

Jimmy Santos, nagdiwang ng kaniyang ika-70 taong kaarawan at nagbahagi rin ng tulong sa mga taong nangangailangan!

Published

on

Si Jaime Santos o mas nakilala natin bilang si Jimmy Santos ay 70 taong gulang na aktor, komedyante, TV host, at dating professional basketball player. Ngayon ay isa na rin siyang vlogger na nagpapamalas ng napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino. Ang kaniyang YouTube channel na “Jimmy Saints” ay mayroon nang mahigit sa 443,000 na mga subscribers.

Maliban sa mga proyektong nagawa niya noon sa pelikula at telebisyon at sa pagiging host niya ng Eat Bulaga! ay marami ang nagalak nang malaman na nagsisimula na rin siyang mag-vlog. Marami kasi siyang nakakatuwang mga videos at talagang naroon pa rin ang pagiging natural na komedyante niya.

Talagang mahal na mahal siya ng maraming mga Pilipino dahil noon pa man ay isa na siyang mabuting tao na naghahatid ng kaligayahan at tulong sa mga taong nangangailangan. Kamakailan lamang ay muli na namang siyang nagbigay ng tulong sa mga kapus-palad.


Ito ay bilang pagdiriwang niya ng kaniyang ika-70 taong kaarawan. Oktubre 8 pa ang kaarawan niya ngunit marami pa ring mga netizens ang talagang binabalik-balikan pa din ang kaniyang vlog.

Naisipan niya kasi na mag-abot ng kaunting tulong sa mga taong nangangailangan kung kaya naman naghanda siya ng ilang grocery/food packs para sa mga mapipili niyang indibidwal.

Una na niyang nabigyan ng tulong ang isang batang nakilala niya sa gilid ng kalsada na namamalimos. Upang makauwi rin ito kaagad sa kanilang tirahan at maihatid na ang kaunting tulong na kaniyang ibinigay ay binigyan na rin niya ito ng pamasahe upang hindi na ito maglakad pa ng malayo.


Sumunod naman niyang nakita ang isang mag-ina na kakadalaw lamang pala sa kulungan dahil naroon nakakulong ang kanilang padre de pamilya. Laking pasasalamat din nila dahil sa tulong na kanilang natanggap. Mayroon ding isang pamilya na nangangalakal ang naabutan ng tulong ni Jimmy.

Wala ring pagsidlan ang kanilang kagalakan dahil sa napakalaking biyaya din para sa kanila ang natanggap nilang food packs.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media