Connect with us

Showbiz

Aktres na si Antoinette Taus talagang napakaganda at young-looking pa rin sa edad na 40-anyos!

Published

on

Marami na tayong napapanuod na mga sikat na artista noon pa man. Magaganda, gwapo, makikisig, at talaga namang napakaseksi.

Ngunit tulad nga ng sinasabi ng maraming mga tao, hindi panghabang-buhay ang pag-aartista. Marami pang mga mas bata at mas magaganda ang tiyak na madidiskubre.

Mas marami din ang mga talentadong kabataan sa ngayon, hindi lamang sa pagsayaw, pag-awit, o pag-arte kundi napakarami pang mga talento ang kaya nilang ibahagi sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Ngunit kahit pala ilang taon na rin ang lumipas, marami pa ring mga artista noon ang talagang hindi pa rin nakakalimutan ng maraming mga Pilipino.

Tulad na lamang ng aktres na si Antoinette Taus na sumikat noong dekada ’90. Nagsimula ang kaniyang karera bilang isang teen star kung saan nabigyan siya ng maraming mga proyekto.

Mas nakilala pa siyang lalo na siya ay gumanap sa Anna Karenina. Nakatambal din niya ang dating on and off screen love team niyang si Dingdong Dantes sa “Sana Ay Ikaw Na Nga” kung saan sila naghatid ng kilig sa marami.


Naging bahagi din siya ng TGIS. Taong 1992 nang siya ay magsimula sa showbiz, makalipas naman ang apat na taon ay naging ganap na siyang Kapuso actress.

Ngunit tulad ng ilang mga indibidwal, dumarating talaga sa punto ng ating buhay na kailangan nating pumili ng isang matinding desisyon sa buhay. Kinailangan niyang iwanan ang showbiz at manirahan sa Los Angeles kasama ang kaniyang pamilya doon.

Sa halos sampung taon na pananatili niya roon ay paminsan-minsan na lamang siya nagtutungo dito sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga mahal sa buhay. Pumanaw na ang kaniyang ina ngunit sa ibang bansa pa rin sila naninirahan kapiling ang kaniyang ama at kapatid na si Tom Taus Jr.

Talagang labis ang pagdadalamhati nila sa pagpanaw ng kanilang ina kung kaya naman nagdesisyon siyang magtayo ng isang organisasyon para sa yumaong ina. Ang CORA o Communities Organized for ResourceAllocation na ang pangunahing layunin ay makatulong sa mga mahihirap at talagang nangangailangan.

Sa ngayon ay single pa din siya ngunit talaga namang kapansin-pansin pa rin ang angkin niyang kagandahan at pagiging young-looking.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media