Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, inamin na siya raw ang mas maalaga at unang nakikipagbati kumpara sa nobyong si Ion!

Published

on

Si Jose Marie Borja Viceral o mas nakilala natin bilang si Vice Ganda ay 45 taong gulang na komedyante, talk show host, aktor, singer, at entreprenyur. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang talento hindi lamang sa pag-arte, pag-awit, kundi maging sa pagpapatawa.

Kung noon ay malungkot ang kaniyang buhay pag-ibig, ngayon ay mas naging makulay na ito sa pagdating ng kaniyang nobyong si Ion Perez sa kaniyang buhay. Para naman sa kanilang ikatlong taong anibersaryo, naghanda ng isang YouTube vlog ang dalawa na pinamagatan nilang “Who’s who challenge”.

Ang naging vlog nilang ito ay ginanap sa Central Park sa New York. Nang tanungin kung sino sa kanila ang “attention-seeker”, sinabi agad ni Vice na siya ito dahil sa gustong-gusto niya talaga ang nagpapapansin sa nobyo lalo na kung may ginagawa ito.

Madalas kasing tutok at naka-pokus si Ion sa kaniyang mga ginagawa kung kaya naman hindi ito nangungulit o nagpapansin kay Vice.

“Parang ako. Kasi siya, ‘pag naglinis na siya ng motor, mahaba ‘yun, akala mo nagpa-dede ng bata, nagpaligo, nagpatae, nagpatulog, ganun kahaba. Tapos kapag nakatapat na rin siya sa laptop niya, tututok na rin siya. So ako, mas papansin ako.” Komento ni Vice.


“Kasi ako hindi niya ako iniistorbo. Kaya kapag gusto ko na makipaglambingan, ako na ‘yung gagawa ng paraan. Kasi hindi niya ako iistorbohin, hindi niya kinukuha ‘yung atensyon ko.” Dagdag pa niya.

Inamin din niya na siya ang mas maalaga at mas unang nakikipag-ayos kung mayroon silang tampuhan.

“”Ako. Because I have a nurturing heart, I have nurturing hands. Charot. Maalaga ako talaga..” Komento pa ni Vice.

“Ako ang laging gumagawa ng paraan para maging maayos ang lahat. Sa dami ng stress sa buhay, kung ano ‘yung pinakamabilis na gawan ng paraan, gawan na agad ng paraan. Kung ano ‘yung pinakamadaling solusyonan, susulosyunan. Ayoko nung matutulog na magkaaway, ayaw ko ng ganun. Sayang ang time kaya suyo agad, ayusin agad,” Paliwanag pa ng batikang komedyante.

Credit and Source: Youtube Vice Ganda


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media