Connect with us

Showbiz

Lotlot De Leon, nagbahagi ng ilang mga cute na larawan ng kaniyang anak na si Janine Gutierrez at Mayor Vico Sotto noong sila ay mga bata pa!

Published

on

Si Charlotte Jennifer de Leon-El Soury o mas nakilala natin bilang si Lotlot de Leon ay 50 taong gulang na aktres na talaga namang hinangaan ng publiko dahil sa angkin niyang talento sa pag-arte. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan ng kaniyang panganay na anak habang ito ay bumibida sa isang school play.

Ayon sa aktres, noon pa man ay talagang gustong-gusto na ni Janine ang pag-arte. Maraming mga netizens ang natuwa sa mga larawang ibinahagi ng aktres dahil napaka-cute naman talaga ni Janine. Halata din kung gaano siya kasaya at kahusay sa kaniyang pagganap sa kanilang role play activity.

Isa rin sa pumukaw sa atensyon ng publiko ang larawan ng isang cute na batang lalaki na kinumpirma ni Lotlot na si Mayor Vico Sotto pala.

“Kay bilis ng panahon… ang aking panganay na lageng kasama sa school play,” caption ni Lotlot sa kaniyang post.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na si Janine ay mula sa pamilya ng mga kilalang aktres at singers. Ang kaniyang ama na si Ramon Christopher ay isang aktor. Ang kaniyang mga lolo at lola ay sina Pilita Corales at Eddie Gutierrez, Donald Olson at Eva Rodriguez, at Christopher de Leon at Nora Aunor.

Tunay nga na marami tayong mga alaala sa mga lumang larawan. Mga masasayang alaala na hanggang sa ngayon ay nagdudulot pa rin ng ngiti sa ating mga labi.

Sa ngayon ay 32 taong gulang na si Janine at talaga namang namamayagpag pa rin ang kaniyang kasikatan sa industriya ng showbiz. Habang ang kaniyang leading man naman sa mga school play na si Mayor Vico Sotto ay kilala sa pagiging mahusay na alkalde ng kaniyang lungsod sa kabila ng kaniyang batang edad.

Umani ng maraming papuri at positibong komento mula sa publiko ang mga larawang ito. Dagdag pa ni Lotlot sa kaniyang post, “Both meant to be great in their chosen careers.”


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media