Connect with us

Showbiz

Cristine Reyes, ibinahagi sa publiko ang masayang bakasyon nila sa Boracay ng kaniyang anak na si Amarah!

Published

on

Matagal-tagal din buhat nang nakapasyal ang marami sa atin. Talaga namang nakakapanabik na makita ang ating mga kapamilya lalo na ang ating mga anak na makalabas ng bahay halos dalawang taon pagkatapos na una nating maranasan ang pandemya sa bansa.

Marami kasi talaga ang natakot at labis na nag-ingat upang hindi sila dapuan at hindi sila makapanghawa ng nakakatakot na sakit. Ngayon nga ay unti-unti na ring bumabalik sa ayos ang lahat.

Marami na rin ang nakatanggap ng kumpletong bakuna kung kaya naman medyo bawas na rin ang takot at kaba ng marami sa atin. Dahil dito ay mas sumisigla na rin ang ating ekonomiya maging an gating turismo.

Kamakailan lamang ay kabi-kabila ang mga pamilyang nagbabakasyon sa iba’t-ibang lugar. Hindi rin naman papahuli ang mga sikat na personalidad tulad na lamang halimbawa ni Cristine Reyes.

Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nakapansin sa kaniyang mga posts sa kaniyang social media account. Kasama niya ang kaniyang anim na taong gulang na anak na si Amarah sa pagbabakasyon niya sa Boracay.


At talaga namang masayang-masaya ito dahil ang Boracay ay tunay na isang paraiso. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na si Cristine ay hiwalay na sa kaniyang dating asawang si Ali Khatibi noong 2019 at ang aktres mismo ang nagkumpirma nito.

Sa kabila nito ay mas naging pursigido siya sa pagtatrabaho upang masuportahan din ang kaniyang anak. At makalipas ang ilang taon ay mapapansin din naman ng marami kung gaano sila ka-close ng kaniyang unica hija.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng publiko ang napakagandang pangangatawan ngayon ng aktres na talaga namang hindi niya napabayaan at alagang-alaga nito. Suot ang kaniyang mga bikini outfits ay hindi mo aakalain na isa na siyang mommy.

Tunay ngang “well-deserved” ni Cristine ang bakasyon na ito kasama ang kaniyang pinakamamahal na anak sa napakagandang lugar ng Boracay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media