Connect with us

Showbiz

Pauleen at Vic Sotto nagkaroon ng simpleng hapunan bilang pagdiriwang sa kanilang 10th anniversary!

Published

on

Napakasarap magkaroon ng taong makakasama mo sa habang buhay na siyang susuporta at talagang mag-aalaga sa iyo. Hindi madaling makahanap nito kung kaya naman talagang napakapalad ng mga taong nakahanap na ng taong kukumpleto sa kanilang pagkatao.

Tulad na lamang halimbawa ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Si Marvic Valentin Castelo Sotto o mas nakilala natin bilang si Vic Sotto ay 67 taong gulang na aktor, komendyante, host at singer.

Talaga namang napakarami na niyang nagawang pelikula mula noon hanggang ngayon. Taong 1982 hanggang 1992 ang naging pagsasama nila ng una niyang asawa na si Dina Bonnevie.


Nagkaroon sila ng dalawang anak sina Danica at Oyo Boy habang si Vico Sotto naman ay anak ni Vic kay Coney Reyes. Samantala, si Paulina Sotto naman ay anak niya kay Angela Luz. At ang bunso niyang anak na si Talitha ay anak nila ng kaniyang misis na si Pauleen Luna-Sotto.

Taong 2016 nang sila ay magpakasal ngunit nito lamang Nobyembre 7, 2021 ay nagdiwang sila ng ikasampung anibersaryo nila. Sa halip na magtungo sa ibang bansa o isang mamahaling restawran ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawa ang araw na ito sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Naghanda ng isang simple ngunit napakasarap na pagkain ang dalawa na kanilang pinagsaluhan. Nilagyan ni Pauleen ng caption ang kanilang mga larawan at sinabing: “Simple anniv dinner, just the way we like it.”

Talaga namang marami ang kinilig sa kanilang simpleng date at mababakas din naman sa kanilang mga mata ang pagiging kuntento at labis na kaligayahan sa kanilang isang dekadang relasyon. Nagbahagi din ng espesyal na mensahe si Pauleen sa kaniyang minamahal na asawa na talagang umantig din sa puso ng marami.

Tunay nga na napakasarap pagmasdan ng ganitong klase ng relasyon at pagmamahalan hindi ba? Napakagandang inspirasyon para sa maraming mga mag-asawa ang mag-asawang Vic at Pauleen.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media