Connect with us

Showbiz

Anak ni LJ Reyes na si baby Summer, todo-pose at todo-awra sa ilang mga larawang ibinahagi ng kaniyang ina online!

Published

on

Marami ang nalungkot nang mapabalita ang biglaang paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes. Halos anim na taon din kasi ang tinagal ng kanilang relasyon na nabiyayaan din ng isang anak na babae, si baby Summer.


Ngunit sa kasamaang palad ay nauwi na nga sa hiwalayan ang lahat. Nito lamang Setyembre 1, 2021 ay binasag na ni LJ ang kaniyang katahimikan at inamin sa naging panayam sa kaniya ng batikang host na si Boy Abunda na lumipad na siya papuntang Amerika kasama ang kaniyang mga anak na sina Aki (anak ng aktres sa dati niyang nobyo na si Paulo Avelino) at si baby Summer (anak niya kay Paolo Contis).

Ginulat din ng aktres ang kaniyang mga tagahanga nang ibahagi niya ang ilang mga larawan niya mula sa New York Fashion Week. Talaga namang napakaganda ng mga kuhang larawan ng aktres.

Hindi mo aakalain na mayroon siyang pinagdaraanan sa buhay. Sa ngayon ay nasa moving on stage na siya at kahit alam niyang mahirap ay talagang nagpapakatatag siya para sa kaniyang mga anak.


Laking pasasalamat niya rin sa kaniyang pamilya lalong lalo na sa kaniyang ina dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa kaniya. Hindi madali ang ganitong klase ng sitwasyon na kaniyang pinagdaraanan ngayon ngunit talagang nagsisilbing inspirasyon ang kaniyang mga anak sa kaniya.


At kamakailan nga lamang ay nagbahagi din siya ng ilang mga larawan nilang mag-iina. Kasama ng aktres si Aki at Summer sa kanilang naging family picture. Hindi rin naman nagpa-awat si Summer dahil nang sabihan siyang “pose” ay hindi na naawat pa ang cute na cute na bata.

Tila may pinagmanahan talaga si Summer dahil kuhang-kuha nito ang pag-awra ng kaniyang mommy LJ. Papayag kaya ang mommy na pasukin din ni Summer ang industriya ng showbiz pagdating ng panahon?

Tiyak na mayroon siyang future sa industriyang ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media