Connect with us

Showbiz

Cristy Fermin at Lolit Solis may resbak sa mga netizens na nagsasabing sila ang “lider ng mga Marites” sa bansa!

Published

on

Nakakalungkot mang isipin ngunit isa na marahil sa nakakalason na ugali ng mga Pilipino ay ang pangungutya at panghuhusga ng ibang tao ayon lamang sa kanilang sariling mga opinyon. Sa araw-araw nating buhay at sa dami ng mga taong nakapaligid sa atin, tiyak na hindi ito nawawala sa sistema ng maraming mga Pilipino.

Ngunit para sa mga sikat na personalidad at sikat na mga artista, tila nagiging almusal na nila ito sa araw-araw. Lalo na mula sa mga taong nagnanais na ikalat ang mali o hindi magagandang bagay tungkol sa kanila.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa naging reaksyon nina Cristy Fermin at Lolit Solis sa tanong ng entertainment editor na si Salve Asis.

“Anong reaksyon niyo, kayo raw ang lider ng mga Marites?” Tanong niya sa dalawang batikan na kolumnista.

Natatawa namang sinagot ito nina Cristy at Lolit. Tila mayroong pang-ookray na sinabi ni Cristy na “atleast” ay hindi raw sila mga “followers”. Tanong naman ni Lolit ay bakit basa ng basa ang mga netizens na ito ng kanilang mga isinusulat at patuloy pa ring nanunuod ng kanilang mga videos kung naiinis at naiirita na pala sila sa mga ito?

Marahil daw ay gusto lamang ng mga ito na sila mismo ang i-tsismis nila kaso wala raw silang mga pangalan kung kaya naman wala ring babasa sa kanila. Nabanggit din niyang hindi niya papatulan ang mga bashers na ito dahil mga taong kilala at may pera lamang daw ang kanilang pinag-aaksayahan ng oras.

Iginiit pa ni Cristy na hindi naman daw nila kilala ang mga ito at bandang huli ay sa bulsa rin naman daw nila manggagaling ang kanilang pangkain at hindi sa mga ito kung kaya naman dedma na lamang daw sila sa mga ito. Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng maraming mga netizens sa naging komento na ito nina Cristy at Lolit?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media