Connect with us

Showbiz

Mariel Padilla, ipinasilip sa publiko ang naging “double celebration” ng kanilang pamilya para sa kaarawan ng mga anak nila ni Robin Padilla na sina Isabella at Gabriella

Published

on

Si Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo-Padilla o mas nakilala natin bilang si Mariel Padilla ay 37 taong gulang na modelo, host, endorser, VJ, at aktres. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na mabighani sa kaniya ang batikang action star na si Robin Padilla.

Hindi nila kaagad isinapubliko ang kanilang relasyon ngunit marami na rin ang nakakapansin sa pagiging malapit nilang dalawa sa isa’t-isa. Taong 2010 nang sila ay ikasal at talaga namang marami sa kanilang mga tagahang ang nasorpresa.

Matapos nito ay ilang taon din silang naghintay bago sila mabiyayaan ng anak. Marso 2015 ay ibinahagi nila sa publiko na nakunan si Mariel. Agosto 2015 ay masaya nilang ibinalita na buntis muli ang aktres at triplets ang kanilang magiging mga supling.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakunan ulit ang aktres. Makalipas ang halos siyam na buwan ay masaya niyang ibinalita sa “It’s Showtime” na siya ay buntis muli sa ikatlong pagkakatao. Isinilang niya si Maria Isabella noong Nobyembre 14, 2016 habang si Gabriella naman ay isinilang noong Nobyembre 15, 2019.

Dahil sa matinding pinagdaanan nila noon bilang mga magulang, mas binibigyan nila ng atensyon at pagpapahalaga ang kanilang mga anak. Kung kaya naman para sa kanilang kaarawan ay naghanda sila ng “My Little Pony” themed birthday party.

Tuwang-tuwa naman sina Isabella at Gabriella dahil sa napakagandang birthday decorations at balloons. Dinaluhan din ito ng ilan sa malalapit nilang mga kamag-anak at kaibigan.

Hindi rin naman matutumbasan ang napakagandang ngiti ng mga bata nang makita ang inihandang birthday celebration ng kanilang mga magulang para sa kanila. Tunay nga na walang ibang gusto ang ating mga magulang kundi ang mga bagay na magpapasaya sa atin.

Kahit ano ay gagawin nila para lamang tayo ay mapasaya lalong lalo na sa espesyal na araw ng ating kapanganakan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media