Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz, mas blooming at naging mas bata sa kaniyang bagong hairstyle with bangs!

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Sunshine Cruz? Siya ay isang mahusay na aktres at modelo noong kaniyang kabataan. Hanggang ngayon naman ay talagang napapanatili at naaalagaan niya pa rin ang kaniyang pangangatawan.

Noong taong 2000 ay ikinasal siya sa batikang aktor at direktor na si Cesar Montano. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak sina Angelina, Sam, at Angel Francheska.

Makalipas ang 13 taong ay napawalang-bisa na ang kanilang kasal dahil na rin diumano sa pang-aabuso ng aktor sa kaniya. Labis ang kagalakan ni Sunshine nang malaman niyang siya ay malaya na at single nang muli.

Sa ngayon ay kuntento at masayang masaya na rin siya sa piling ng kaniyang nobyo na si Macky Mathay, half-brother ng aktres na si Ara Mina. Limang taon na rin silang magkarelasyon at sa limang taon na ito ay nagpasalamat ng husto si Sunshine dahil si Macky na ang tumayong ama para sa kaniyang tatlong mga anak.

Gayundin naman, kapansin-pansin din naman ang wagas na pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniya ni Macky sa lumipas na limang taon. Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa nang masilayan nila ang bagong hairstyle ni Sunshine Cruz.

Kung dati kasi ay long hair siya palagi. Ngayon ay nagpaiksi ito ng buhok hanggang balikat. Mayroon din siyang bangs na talaga namang mas nagpaganda pa sa kaniya.

Nilagyan niya ng caption ang kaniyang mga larawan na: “Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good.”

Marami nga ang nagsasabi na kahawig niya ang isa sa mga karakter ng “Money Heist” na si Tokyo. Habang ang iba naman ay nagkomento na halos limang taon din daw ang ibinata ng aktres sa hairstyle niyang ito.

Hindi mo nga talaga aakalain na siya ay mayroon nang tatlong mga anak. Hindi lamang dahil naalagaan niya ng husto ang kaniyang kutis at ang kaniyang pangangatawan kundi ang buong awra niya ngayon ay mas maganda at mas maningning na kaysa sa dati.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media