Connect with us

Showbiz

Mga sikat na celebrities na nag-break ngayong 2021, kilalanin!

Published

on

Sadyang magulo at maingay ang mundo ng showbiz. Marami sa atin ang palaging nakasubaybay sa ating mga iniidolong artista.

Talaga namang masaya tayo sa tuwing nababalitaan natin na masaya sila lalong-lalo na pagdating sa kanilang mga personal na buhay o lovelife. Hindi rin naman talaga magpapahuli ang maraming mga Pilipino pagdating sa ganitong mga usapin.

Marahil ay marami sa atin ang nakaka-relate pagdating sa mga relasyon, hiwalayan, at lalong-lalo na patungkol sa pagtataksil. Ang taong 2021 daw ang isa sa mga taon kung saan marami talaga ang mga relasyon na nauwi sa hiwalayan. Narito ang ilan sa kanila:

KYLIE PADILLA AT ALJUR ABRENICA


Marami ang nagulat nang sa ama mismo nanggaling ang hiwalay ng dalawa lalo na at mayroon na silang dalawang mga anak. Inakala ng marami nilang tagahanga na matatag at walang titibag sa kanilang pagsasama ngunit nauwi rin ang lahat sa hiwalayan. Naging mainit na usapin pa ang panliligaw ni Aljur kay AJ Raval at nakaladkad din ang pangalan ni JM De Guzman na itinanggi din naman ng huli at ni Kylie. Sa ngayon ay nasa co-parenting status na lamang sina Aljur at Kylie.

LJ REYES AT PAOLO CONTIS


Setyembre 2021 nang basagin ni LJ Reyes ang kaniyang katahimikan at nagpaunlak ito ng panayam sa programa ng batikang host na si Boy Abunda. Ayon kay LJ ay nagdesisyon na siyang lumipad patungo sa Amerika upang mailigtas ang kaniyang mga anak sina Aki at Summer sa kontrobersiyang ito. Maraming mga netizens ang nagkagulo sa larawan at video nina Paolo Contis at Yen Santos na magkasama, hinala nilang may relasyon ang dalawa ngunit agad naman itong itinanggi ng aktor. Nananatili namang tikom ang bibig ni Yen tungkol sa isyu.

JANINE GUTIERREZ AT RAYVER CRUZ


Makalipas naman ang limang taon na relasyon bilang magkasintahan ay naging usap-usapan na nga ang paghihiwalay nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Ayon sa ilang mga ulat ay dahil daw ito sa kawalan ng oras para sa isa’t-isa. Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa ay marami ang nakapansin na binura o tinanggal na ng aktor ang mga larawan ni Janine sa kaniyang social media account. Samantala, nagpahayag naman ng suporta at pagmamahal kay Rayver ang kaniyang kapatid na si Rodjun Cruz at misis nitong si Diane Medina.

WIL DASOVICH AT ALODIA GOSIENGFIAO


Marami ang nagulat nang aminin ni Alodia Gosiengfiao na hiwalay na sila ng kaniyang longtime boyfriend na si Wil Dasovich. Taong 2018 nang mapabalita ang kanilang relasyon at tatlong araw pa lamang ang nakakalipas ay kinumpirma na ng sikat na Cosplayer ang kanilang hiwalayan habang siya ay naglalaro ng “League of Legends: Wild Rift”. Bagamat walang malinaw na rason patungkol sa kanilang naging hiwalayan, nananatiling nakasubaybay ang kanilang mga naging tagahanga patungkol dito.

ZAYN MALIK AT GIGI HADID


Isa na marahil sina Zayn Malik at Gigi Hadid sa mga sinubaybayang couples ng maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay talagang nagulat ang publiko nang kumalat ang mga balitang nag-file ng police report ang ina ni Gigi matapos diumanong saktan nito ang kaniyang anak. Itinanggi naman ito kaagad ng 28 taong gulang na singer. Sa ngayon ay nasa “co-parenting status” sila para sa kanilang anak na si Khai.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media