Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Doug Kramer at Cheska Kramer, inamin na umabot pala ng Php79,000 ang kanilang electric bill nang una silang lumipat ng kanilang malaking bahay!

Published

on

Tiyak na marami sa ating mga Pilipino ang nakakakilala kay “Judith”. Siya ang kinatatakutan ng maraming mga breadwinner, mga nanay at tatay, kapag kasi dumating na siya, tiyak na mahirap nang pagkasyahin ang sweldo para sa buong pamilya. Lalo na ngayon na palagi nating nararanasan ang pagtaas ng mga bilihin, pagtaas ng mga bills sa bahay, ngunit ang ating mga sweldo ay nananatili pa ring mababa.

Kung inaakala natin na tayo lamang ordinaryong mga Pilipino ang nakakaranas nito, maging ang mga iniidolo nating personalidad ay nakakaranas din pala ng matinding bayarin sa kanilang tahanan. Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Kramer.

Sa unang buwan kasi nang paglipat nila sa kanilang bago at malaking bahay ay labis silang nagulat nang malaman nilang ang bayarin nila sa kuryente ay Php79,000! Napakalaki kung tutuusin ngunit napakalaki din naman kasi ng sukat ng kanilang mansyon.

Dahil dito ay naghanap sila ng alternatibo kung paano sila makakatipid sa kuryente. Natuklasan nila ang paggamit ng solar panels at sa tulong ng Solaric ay naisakatuparan na nga nila ang kanilang plano.

Nang sumunod na buwan ay nakatipid sila ng halos Php30,000 sa kanilang monthly electric bill. Marami naman sa kanilang mga tagasuporta ang talagang namangha dito.

Maaari pala talagang makatipid kung nanaisin at kung paglalaanan ng pera at panahon ang isang bagay. Itinuturing din nilang malaking investment ito dahil pangmatagalan na ang kanilang mga solar panels.

Sa panahon ngayon ay marami na tayong mga bagay na maaaring gawin upang maging maayos at komportable ang ating pamumuhay. Nasa sa atin na lamang ito kung talagang paglalaanan natin ng oras at panahon.

Kahit na medyo mayroong kamahalaan ang presyo ay masisiguro naman natin na pangmatagalan na at makakabuti rin naman sa buong pamilya natin lalo na kung mayroon tayong malaking bahay tulad ng sa mag-asawang Doug Kramer at Cheska Kramer.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media