Connect with us

Showbiz

Aktor na si Buboy Villar, hindi napigilan na maiyak sa pag-alis ng kaniyang panganay na anak na si Vlanz papuntang Amerika!

Published

on

Maraming natututunan ang bawat isa sa atin sa oras na tayo ay maging isang magulang na. Nariyan na ang palagi nating inuuna ang kanilangkapakanan kaysa sa ating mga pansariling pangangailangan.

Pagdating sa pagdedesisyon ay talagang hindi mawawala na tingnan muna ang makabubuti sa mga bata kaysa sa personal na kagustuhan. Kamakailan lamang, marami ang naantig sa naging paghahatid ni Buboy Villar sa kaniyang panganay na anak na si Vlanz patungong airport.

Lilipad na kasi ito patungong Amerika kasama ang kaniyang lolo at lola. Kailangan niya itong gawin upang maayos ng dating asawa ng aktor ang dual-citizenship ng kanilang anak.

Ayon kay Buboy, “mixed emotions” daw ang kaniyang nararamdaman nang makitang papaalis na ang kaniyang anak. Nalulungkot siya bilang isang ama dahil hindi na niya makakasama pa ang kaniyang anak ngunit sa kabilang banda ay para din naman ito sa kinabukasan ng kanilang anak.

Dagdag pa ni Buboy ay hindi niya alam kung kailan babalik ang kaniyang anak at sa tuwing iniisip niya ito ay talagang nalulungkot siya. Ngunit bilang isang ama at isang magulang ay talagang kailangan niyang tiisin ito at kailangan niyang magpakatatag.


Laking pasasalamat din niya dahil sa kasama ng kaniyang anak ang kaniyang mga lolo at lola na mga magulang ni Anggilyn. Sobra din nilang mahal si Vlanz tulad ng pagmamahal nina Buboy at Anggilyn sa kanilang mga anak.

Dahil dito ay talaga namang sinulit ng aktor ang bawat sandaling kasama niya ang kaniyang anak. Palagi silang naglalaro at nagkukulitan. Nang makita na ng aktor ang kaniyang anak na papasok ng paliparan at papalayo sa kaniya ay hindi na niya talaga napigilan pa ang kaniyang sarili na maging emosyonal at mapaiyak ng husto.

Ang tanging mensahe niya lamang sa kaniyang panganay na anak ay palagi itong magdarasal at talagang mamimiss siya ng aktor. Walang tigil din ang pagpapaalala ni Buboy sa anak na mahal na mahal niya ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media