Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, biniro si Derek Ramsay na nais na nitong makipaghiwalay at mag-file ng annulment!

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniyang paraan natin kung paano natin maipaparamdam sa taong pinakamamahal natin na sila ay mahalaga at importante. Mayroon din naman tayong kaniya-kaniya nating love language: “words of affirmation”, “acts of service”, “receiving gifts”, “quality time”, at “physical touch”.

Tunay nga na hindi madali ang paggawa ng mga ito para sa ating mga minamahal ngunit kinakaya natin para sa ikatatagal at ikakaayos ng ating relasyon. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang masaksihan nila ang naging napakagandang kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Nobyembre 11 nang sila ay nag-isang dibdib sa Rancho Bernardo sa Bagac, Bataan. Talaga namang namangha ang publiko sa bawat detalye ng kanilang kasal. Naroon din ang kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya lalong lalo na ang kanilang mga anak na sina Austin at Elias Modesto maging ang alagang aso ni Derek.

Naging usap-usapan din ang unang gabi nila bilang mag-asawa dahil nakasama pala nilang matulog sa iisang kwarto ang ina ni Ellen na agad namang inihingi ng tawad ng kaniyang ina na si Meriam Go. At para sa kanilang honeymoon ay nag-enjoy sa Tagaytay ang bagong kasal.

Hindi na bago sa kanilang mga tagahanga ang pag-aasaran at pagkukulitan ng dalawa online. Madalas kasi silang nagpopost ng kanilang mga larawan at video online.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video si Ellen kung saan naka-video ang kaniyang mister na si Derek at agad namang bulalas ng aktres na mayroon siyang
kahindik-hindik na pores!

“My God your pores! Oh my God your pores, they’re hideous! Oh my God! Eww! Eww!Eww! I’m so turned off! Eww! They’re hideous! Oh my God I want an annulment right now!” Pang-aasar ni Ellen kay Derek.

“Okay. I want a happy ending!” walang kurap namang sagot ni Derek.

Hindi pa daw doon natatapos ang video na iyon ni Ellen dahil sa talagang nagpatuloy pa siya sa pang-aasar sa aktor.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media