Connect with us

Showbiz

LJ Reyes, masayang ibinahagi sa kaniyang social media account ang larawan nilang mag-iina sa America!

Published

on

Halos mahigit isang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang maging mainit na usap-usapan ang hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis. Sa loob ng anim na taon ay naging masaya sila sa kanilang pagsasama kung saan nabiyayaan din sila ng isang anak, si baby Summer.

Marami ang talagang nagulat at nalungkot nang mabalitaan ang nangyaring ito sa dating mag-partner. Inakala kasi ng kanilang mga tagahanga na magiging panghabang-buhay na ang kanilang pagsasama.

Gayundin naman ay mayroon silang isang anak kung kaya naman mas marami ang nag-akala na talagang maaayos pa nila ang kanilang problema. Ngunit para sa aktres, mas minabuti na lamang niyang lisanin ang bansa at doon na muna manatili sa Amerika kasama ang kaniyang ina at mga kapatid.

Hindi naging madali ang karanasan na ito ni LJ at naging matatag din siya hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi lalo na para sa kaniyang dalawang mga anak na sina Aki (anak ng aktres sa dati nitong nobyo na si Paulo Avelino) at si baby Summer. Hindi lingid sa publiko ang napakagandang larawan niya noon sa “New York Fashion Week”.

Inulan ito ng suporta mula sa maraming mga netizens. At kamakailan lamang ay nagbahagi siyang muli ng ilang mga larawan nilang mag-iina. Kuha ang kanilang mga larawan sa family restaurant n ila sa Brooklyn, New York na “The Buren”.

Makikita naman sa mga larawang ito ang nakangiting si LJ at mga anak nito. Tinanong siya noon ng batikang host na si Boy Abunda kung babalik pa ba siya ng Pilipinas para sa kaniyang trabaho at agad naman niyang sinabi na bukas pa siya sa pagbabalik industriya.

Nais lamang niyang proteksiyunan ang kaniyang mga anak at ang kaniyang sarili sa mga masasakit pang pangyayari na dulot ng kanilang hiwalayan ni Paolo. Tunay nga na mas naging matatag na ngayon si LJ kumpara dati dahil sa hindi rin naman talaga biro ang mga bagay na kaniyang napagdaanan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media