Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, mayroong nakakatawang reaksyon nang umutot sa kaniyang tabi ang fiancé na si Philmar Alipayo!

Published

on

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas nakilala natin at hinangaan bilang si Andi Eigenmann ay 31 taong gulang na aktres, modelo, at vlogger. Kung noon ay sa mga teleserye at pelikula natin siya madalas na napapanuod, ngayon ay sikat na sikat na rin ang kaniyang YouTube channel kasama ang kaniyang pamilya.

Ito ang “Happy Islander” na mayroon nang higit sa 2.38 milyong subscribers. Marami din ang humuhusga sa kanila noon dahil sa magkaibang estado nila sa buhay.

Kasikatan kasi noon ni Andi habang si Philmar naman ay isang professional surfer sa isla ng Siargao nang sila ay magkakilala. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay mas pinili pa rin ng aktres na iwanan ang lahat upang makasama ang kaniyang minamahal.

Ngayon ay masaya na silang naninirahan sa isla ng Siargao kasama ang panganay niyang si Ellie (anak ni Andi sa dating nobyong si Jake Ejercito) at ang anak nila ni Philmar na sina Lilo at baby Koa. Disyembre nang nakaraang taon nang ma-engage ang dalawa.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nilang pinapasaya ang kanilang mga tagasubaybay sa kanilang YouTube channel. Kamakailan lamang ay kumalat ang short video clip ni Andi na ibinahagi mismo ng kaniyang fiancé kung saan makikita ang reaksyon ng aktres.

Tawang-tawa si Philmar gayundin naman ang mga netizens na nakapanuod ng video na ito. Hindi kasi nagalit si Andi kahit sa tabi pa niya mismo umutot ang kaniyang fiancé.
Bagkus ay nagtanong pa ito at kinumpirma kay Philmar kung ginawa nga niya ito.

“Mahal! (Sabay palo sa balikat ni Philmar) Did you fart?” buong pagtatakang tanong ng aktres.

Samantala, marami namang mga netizens ang talagang naaliw sa pangyayaring ito. Patunay lamang ito na sobrang komportable na sila sa isa’t-isa at wala silang ikinahihiya kahit pa nga mismo ang pag-utot sa tabi nila. Couple goals kung ituring ng marami ang relasyon ng dalawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media