Connect with us

Showbiz

Jomari Yllana, masaya at kuntento na sa piling kaniyang dating nobya na si Abby Viduya!

Published

on

Mulat na tayong mga Pilipino sa mundo ng pulitika at mundo ng showbiz. Maging ang mga pangyayari sa ating komunidad at sa ating paligid ay talaga namang alam na natin ang kalakaran at pasikot-sikot.

Madalas ay marami na tayong nababalitaan na mga magkakarelasyong artista na aakalain mo talagang may “forever” na sa kanila ngunit wala pala. Dahil sa naghihiwalaya rin sila kaagad.

Nakakalungkot dahil madalas ay nagiging inspirasyon na sila ng marami sa atin ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nauuwi sa hiwalayan ng lahat. Noon pa man ay marami na tayong hinahangaan na mga loveteams o di kaya naman ay mga grupo ng mga kalalakihan o kababaihan.

Ngunit sinong mag-aakala na ang naudlot pa lang relasyon nina Abby Viduya o mas nakilala natin bilang si Priscilla Almeda at Jomari Yllana ay muling mabibigyan ng isa pang pagkakataon. Minsan nang na-interview ang aktor tungkol dito ay naibahagi nito kung gaano siya kasaya at kakuntento ngayon sa kaniyang buhay kasama ang dati niyang nobya at ngayon ay partner na niyang si Priscilla. Dekada ’90 nang makilala at sumikat ang kanilang mga pangalan sa showbiz.

Nabigyan din sila ng ilang mga proyekto at nagkamabutihan kalaunan. Si Jomari ang “first boyfriend” ni Priscilla at siya rin ang naging “first girlfriend” nito. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.


Nagkaroon sila ng kaniya-kaniya nilang pamilya hanggang sa hindi rin nagtagal ang mga ito at nauwi rin sa paghihiwalay. Taong 2015 nang muling magkita ang dalawa at magkaroon ng komunikasyon. Dito na muling nagbalik ang pag-ibig nila sa isa’t-isa.

At sa ngayon nga ay kuntento na ang aktor sa piling ng kaniyang minamahal na si Priscilla Almeda. Kahit na kilalang lapitin ng babae ang aktor ay hindi ito nagdalawang-isip na sabihing si Priscilla na ang magiging huling babae sa kaniyang buhay.

Sa ngayon ay abala na rin si Jomari sa kaniyang katungkulan bilang isang konsehal ng Parañaque sa kaniyang ikalawang termino.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media