Connect with us

Showbiz

Joross Gamboa, ipinasilip sa publiko ang napakagandang beach front property sa Quezon!

Published

on

Si John Ross Sanchez Gamboa o mas nakilala at hinangaan natin bilang si Joross Gamboa ay 36 na taong gulang na aktor at modelo. Siya ay tinanghal na 2nd runner-up sa unang season ng “Star Circle Quest”.

Marami na rin siyang ginawang proyekto sa pelikula man o telebisyon kung saan talagang ipinamalas niya ang angking talento niya sa pag-arte. Wala rin namang kaduda-duda na isa talaga siyang mahusay na artista.

Ngunit tulad ng maraming mga artista ay naging mahirap din para sa kaniya ang pandemya. Dahil mayroon na siyang sarili niyang pamilya at nabiyayaan na rin sila ng kaniyang misis na si Kathy Kimberly Saga ng dalawang anak ay kailangan niya talagang mas magpursige sa buhay.

Mas naging masipag siya at talagang naghanap ng mga bagay na mapagkakakitaan pa sa gitna ng pandemya. Dahil nga sa kaniyang pambihirang sipag at sa tulong na rin ng kaniyang mga mahal sa buhay ay muling nasilayan ni Joross ang tagumpay.


Sa ngayon kasi ay tapos na ang ipinatayo nilang beach front property sa Quezon. Talaga namang napakaganda at napakalawak ng property na ito.

Makikita sa mga larawan ibinahagi ni Joross ang makapigil hiningang view ng kanilang beach house. Mayroon itong swimming pool sa harap at pag pasok naman sa loob nito ay makikita ang napaka-eleganteng pagkakagawa sa buong bahay.

Mayroong maluwag na dining area, living area, at mayroon ding malawak na espasyo para sa isports na nais laruin ng mga taong bibisita sa kanilang napakagandang beach house. Hindi rin naman niya nakalimutang magpasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya na matupad ang pangarap nilang ito.

Tunay ngang walang imposible sa taong masipag at nagsusumikap. Hindi hadlang ang pandemya, ang kawalan ng trabaho, at kung ano ano pang mga bagay o dahilan upang hindi natin matupad ang ating mga pangarap.

Nasa kilos at pag-iisip natin ang ikatatagumpay natin para na rin sa ating mga mahal sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.