Connect with us

Showbiz

Jane De Leon, nag-abot ng tulong sa Food Panda rider na nakilala online matapos nitong isama ang kaniyang anak sa pagtatrabaho!

Published

on

Si Jane Florence Benitez De Leon o mas nakikilala na natin ngayon bilang si Jane De Leon ay 22 taong gulang na aktres, singer, modelo, at dancer. Kamakailan lamang ay napabalita ang pagtulong nito sa isang Food Pandar rider na minsan na ring nakilala ng publiko matapos kumalat ang ilang mga larawan nito kasama ang kaniyang anak na sanggol habang siya ay nagtatrabaho.

Hindi naman nagdalawang-isip ang aktres na abutan ng tulong ang pamilya ng naturang delivery rider. Ang rider na ito ay nakilala bilang si Hershey.

Gamit ang kaniyang munting bisikleta ay talagang pinagsusumikapan niyang magtrabaho araw-araw para sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Mahahalatang medyo bata pa ito kung kaya naman marami ring mga netizens ang nagsasabing tila naging ama siya ng maaga kumpara sa iba.

Kahanga-hanga daw ang pagiging isang mabuting ama at asawa nito sa kaniyang pamilya dahil sa kabila ng pandemya ay talagang nagpupursige ito sa buhay. Dahil sa marami na ring mga netizens ang nakabasa ng kaniyang kwento, marami na din sa kanila ang naghatid ng tulong sa pamilya ni Hershey.

Nagbigay ang aktres ng diaper, gatas, at maraming grocery items na tiyak na makakatulong sa buong pamilya. Nagbahagi din ng ilang mga larawan si Hershey kung saan makikitang karga karga pa ni Jane ang napakacute na bata.

Maraming mga netizens at tagahanga ng aktres ang nagkomento na hindi lamang siya Darna sa harap ng kamera kundi isa talaga siyang real-life superhero na handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Tunay nga na marami ang handang tumulong sa mga tao na unang tinutulungan ang kanilang sarili.

Tulad na lamang ni Hershey at ng marami pang mga Pilipino. Hindi kailan man nagiging hadlang ang kahirapan, pandemya o maging ang karamdaman ng sinuman upang hindi sila magsumikap sa buhay.

Lalo na kung ang pagsusumikap nilang ito ay para din sa kanilang mga mahal sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.