Connect with us

Showbiz

Janella Salvador at Markus Patterson, ibinahagi sa publiko ang bonggang 1st birthday celebration ng kanilang anak na si Jude!

Published

on

Marami ang nagnanais na pumasok sa showbiz. Hindi na ito bago kahit noon pa man.

Para kasi sa maraming mga Pilipino, isa ito sa pinakamadaling paraan upang makaahon sa hirap ng buhay. Kung magiging sikat na artista ka nga naman ay talagang magiging madali na para sa iyo ang kumita ng mas malaking pera mula sa iyong mga magiging proyekto sa pelikula man o telebisyon.

Marami din ang mag-aalok sa iyo ng mga commercials at kung ano ano pang may kinalaman sa pagiging isang artista. Ngunit kalakip nito ang isang mabigat na responsibilidad at masakit na reyalidad.

Kadalasan kasi, ang mga artista ay wala nang karapatang magkamali o magtago ng lihim dahil sa uulanin talaga sila ng pambabatikos mula sa publiko. Tulad na lamang halimbawa ng young actress na si Janella Salvador.

Kasagsagan noon ng kaniyang nakapagandang teleserye ngunit kabi-kabila ang mga hindi magagandang usapin tungkol sa dalaga. Hanggang sa makalipas ang ilang buwang pananahimik ay inamin na niyang nagsilang siya ng isang malusog na sanggol sa United Kingdom noong Oktubre 2020.

Ang napaka-cute na batang ito ay walang iba kundi si Jude Trevor na anak nila ng nobyong si Markus Patterson. Kamakailan lamang ay nagdiwang na ng kaniyang “first birthday” ang kanilang anak.

Talagang sobrang pinaglaanan nila ito ng oras at panahon. Bonggang birthday celebration ang iginayak nina Janella at Markus para sa unang kaarawan ng minamahal nilang anak. Ito ay isang themed-inspired animated film na “Boss Baby”.

Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang napakacute na si Baby Jude. Marami din ang bumati sa kaniyang kaarawan online tulad na lamang nina Anne Curtis, Mutya Orquia, Alex Gonzaga, Miko Raval, Melai Cantiveros, Jane Oineza, Michelle Vito, Cheska Garcia, Alex Godinez, Dra. Vicki Belo at marami pang iba.

Habang si Erich Gonzales naman ay personal na dumalo sa birthday party na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media