Connect with us

Showbiz

Celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ikinasal na!

Published

on

Maingay, magulo, at walang kasiguraduhan ang mundo ng showbiz. Marami ang nangangarap na pumasok sa industriyang ito dahil sa madali naman talagang kumita ng malaki lalo na kung naging isang sikat ka nang artista at napagkatiwalaan ka na ng mga proyekto sa harap man o likod ng kamera.

Hindi lamang tagumpay at trabaho ang maaaring makita sa showbiz dahil marami ding mga artista ang dito na nakakatagpo ng kanilang “forever”. Tulad na lamang ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Nito lamang ika-23 ng Oktubre ay ikinasal na ang dalawa.

Marami ang nakapansin sa walang kupas na kagandahan ni Carla at napakagandang pangangatawan nito. Napakakisig din naman ni Tom sa kaniyang black suit na obra ni Francis Libiran habang ang kay Carla naman ay mula kay Monique Lhuillier.

Naroon din ang mga magulang ng aktres na sina Rey “PJ” Abellana at Rea Reyes para sa napakaespesyal na araw ng kanilang anak. Talagang pinaghandaan talaga ng husto ang kasal ng isa sa pinakasikat na celebrity couple sa bansa.

Hindi rin naman nagpahuli sa sorpresa si Carla dahil sa cowboy hat na inilagay niya sa mesa kung saan nang makita ito ng aktor ay hindi niya napigilang maging emosyonal. Ito kasi ang lumang gamit ng kaniyang ama na si Albert “Bill” Mott Sr. na pumanaw noong 2017.

Mayroon ding inahandang video si Carla para sa kanilang wedding dance kung saan ang ama ni Tom ang mismong kumakanta. Marami din ang kinilig sa wedding vow nina Carla at Tom para sa isa’t-isa.

Tumatak sa marami ang naging pahayag ng aktor na si Carla ay tila isang anghel na bumaba sa lupa para sa kaniya. Ayon naman sa aktres, noon ay talagang ipinagdasal pa niya ang isang taong magmamahal at mag-aalaga sa kaniya.

Hindi niya akalain na nasa tabi lamang niya ang taong ipinagdarasal niya noon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.