Connect with us

Showbiz

Aktres na si Michelle Vito, pinabulaanan ang mga espekulasyon na siya ay nagdadalang-tao raw base sa kaniyang mga larawan sa kanilang bakasyon ng nobyong si Enzo Pineda!

Published

on

Marami ang nagulat sa naging rebelasyon nina McCoy de Leon, 26, at Ellise Joson, 25, na sila ay mayroon nang anak na babae nito lamang Oktubre 31, 2021. Pinangalanan nila ang kanilang “baby girl” na Felize McKenzie.

Nasorpresa man ang kanilang mga tagasuporta ay mas minabuti na lamang nilang igalang ang desisyon ng magkasintahan na ilihim muna ito sa publiko. Dahil sa pangyayaring ito ay maraming mga netizens ang tutok sa mga larawan ng mga sikat na personalidad sa ngayon.

Tulad na lamang ng isang “Marites” na ito sa social media na nagkomento sa ilang mga larawan ng aktres na si Michelle Vito. Kasama kasi ng aktres ang kaniyang kasintahan na si Enzo Pineda sa mga larawan niya na kuha sa Thunderbird Resort sa Poro Point, San Fernando City, La Union.

Kasalukuyan silang nagbabakasyon noon kasama ang pamilya ng aktor. Marami ang nakapansin sa tila “baby bump” ng aktres habang suot kaniyang red swimwear. Hindi naman nagdalawang-isip pa ang aktres na pabulaanan ito at agad siyang nag-post ng kaniyang mensahe ukol dito na nagsasabing:

“Happy Monday mga Marites… Gusto ko lang naman kumain. Busog lang po ako. So stop lunch nap o kayo hays.” Pahayag ni Michelle.
Sa kabila ng naging pahayag niyang ito ay hindi pa rin tumigil ang ilang mga “Marites” sa social media na pagpiyestahan ang mga larawang ito ni Michelle.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento online:

“Oww… mukhang may revelation magaganap yang patakip takip na yan.” Pasaring ng isang netizen.

“Baby bump?” nagtatakang tanong naman ng isa pang netizen.


“Busog lang po siya.” Pagtanggol naman ng isa sa mga fans ng celebrity couple.

Bagamat itinanggi na ni Michelle ang mga espekulasyon patungkol sa kaniyang kalagayan kung buntis nga siya o hindi, marami pa rin ang nagtataka at nagdududa. Ngunit sa ngayon ay nararapat lamang siguro na hayaan na muna natin ang magkasintahan kung ano man ang gusto nilang ilihim at ibahagi sa publiko.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media