Connect with us

Showbiz

Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang unica hija na si Talitha!

Published

on

Mahalaga sa ating mga ma gulang ang mapasaya ang ating mga anak. Sa kabila ng mahirap na sitwasyon natin sa ngayon ay talagang sinisikap pa rin ng maraming mga magulang na maibigay ang “the best” para sa kanilang mga anak.

Hindi alintana ang hirap at sakripisyo basta’t maging maligaya lamang ang kanilang mga anak. Kamakailan lamang ay marami ang bumati sa ika-4 na taong kaarawan ni Talitha “Tali” Sotto.

Siya ang unica hija ng celebrity couple na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Hindi naging hadlang ang pandemya upang hindi nila maipagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak.

Imbitado ang dalawa sa malalapit na kaibigan ni Tali sa kaniyang simple ngunit napakasaya at napakaespesyal na kaarawan. Hindi matatawaran ang ligaya sa mga mata niya nang makita ang napakagandang balloon at birthday decoration na inihanda ng kaniyang mga magulang para sa kaniya.

Marami ding activities ang na-enjoy nilang magkakaibigan kahit nasa loob lamang sila ng bahay. Naging highlight din ng selebrasyon ang isang “number 4-shaped birthday box” na nag-uumapaw sa mga sweet treats at candies.

Tinulungan ni Pauleen ang kaniyang anak na magbukas nito habang hindi naman magkamayaw ang mga bisita ni Tali sa pagkuha ng mga nalalaglag na candies. Naging napakasaya ng espesyal na araw na ito ni Tali.

Ngunit naantig din ang marami sa mensahe ni Pauleen para sa kaniyang anak. Ayon sa aktres at host, siya ang nagsilang kay Tali ngunit ito mismo ang nagbigay ng buhay sa kaniya. Dahil kay Tali ay natupad daw ang kaniyang pangarap na maging isang ganap na ina kung kaya naman labis ang kaniyang kaligayahan.

Masaya din si Pauleen dahil batid niyang lumalaking mabuti at matalinong bata si Tali. At sa paglipas ng panahon ay dalangin niyang mas piliin nitong maging mabuti kaysa maging tama sa lahat ng sitwasyon.

Talaga namang napakapalad ni Tali na magkaroon ng mga magulang tulad nina Bossing at Poleng.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.