Connect with us

Showbiz

Aktres na si Gwen Zamora, ibinahagi sa publiko ang simpleng pamumuhay nila sa probinsiya kasama ang kaniyang asawa at anak!

Published

on

Marahil, kung tatanungin natin ang maraming mga Pilipino ngayon kung saan nila gugustuhing manirahan o di kaya naman ay magretiro, tiyak na marami ang sasagot ng probinsiya. Hindi man kasing lawak ng lungsod na ating nakalakihan ang mga probinsiya dito sa Pilipinas, hindi pa rin naman matatawaran ang sariwang hangin, gulay at prutas na mayroon sa probinsya.

Wala talagang masyadong polusyon dito dahil marami pa ang mga puno at halaman sa paligid kumpara sa lungsod. Mas mura din ang maraming mga bilihin dito dahil karamihan sa mga taong naninirahan sa probinsiya ay mga magsasaka o di kaya naman ay mga mangingisda.

Dahil sa mga pambihirang bagay na ito, marami na rin sa mga sikat na personalidad ngayon ay nagdedesisyon na sa probinsiya na lamang manirahan. Halimbawa na lamang ang dating aktres na si Andi Eigenmann na ngayon ay kuntento na sa kaniyang buhay sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at ang tatlong anak ng aktres na sina Ellie, Lilo, at Koa

Isang aktres pa ang mas piniling manirahan na lamang sa kanilang farm sa Batangas kasama ang kaniyang pamilya at ito ay walang iba kundi si Gwen Zamora. Siya ay isang sikat na aktres at komedyante noon. Madalas din siyang napapanuod dati sa “Bubble Gang” ngunit pinili na niyang lumagay sa tahimik muna lalo na at mayroon na siyang isang anak si baby Cooper.

Kamakailan lamang ay madalas magbahagi ng ilang mga videos at larawan ang aktres online. Makikita sa kanilang mga videos kung gaano sila kasaya ngayon dahil magkakasama sila sa kanilang modern kubo sa kanilang farm.

Ayon sa mag-asawa, minabuti na rin nilang dito na tumira buhat nang nagkaroon ng pandemya. Mas ligtas daw kasid ito dahil walang masyadong tao hindi tulad ng condo unit nila dati.


Tunay nga na hindi mo kailangan ang malaking halaga ng pera o matinding kasikatan upang masabi mong masaya ka. Ang pagkaroon ng ganito kagandang pamilya ay talaga namang napakagandang biyaya na, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media