Connect with us

Showbiz

Aktor na si Gerald Anderson, pinuri ang kaniyang bagong leading lady na si Gigi De Lana sa nalalapit nilang proyekto!

Published

on

Si Gerald Randolph Opsima Anderson Jr. o mas nakilala natin bilang si Gerald Anderson ay 32 taong gulang na aktor at modelo. Noon pa man ay madalas na natin siyang makita bilang isang leading man o di kaya naman ay bida sa mga teleserye at pelikula.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang talento sa pag-arte, kagwapuhan, at kakisigan niya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan na naman siyang muli ng publiko dahil sa pagtatambal nila ng YouTuber at singer na si Gigi De Lana sa isang proyekto.

Sila ang pangunahing mga karakter sa bagong romantic-comedy series ng ABSCBN na ‘Hello, Heart.’ Ito ang magiging pilot project ng Kapamilya Network at iQiyi na isang “global streaming service.” Ang aktor ang gaganap sa karakter na si Saul na ayon pa sa kaniya ay isa sa mga karakter na gusto niyang gampanan noon pa man.

Nang malaman naman niya na si Gigi De Lana ang kaniyang magiging katambal, ito lamang ang kaniyang naging komento:

“Nung sinabi nila na si Gigi yung makakasama ko siyempre rinesearch ko agad sa YouTube and yung videos niya na kumakanta. For some reason, it always works pag ganun eh. Pag fresh at bago yung tandem, it excites me because it’s another challenge for me bilang aktor and it’s exciting for the fans,” Pahayag ni Gerald.


Samantala, si Gigi naman ay gaganap bilang si Heart na isang maganda at masipag na babae. Magiging bahagi ng trabaho ni Heart na i-please ang nanay ni Saul na mayroong karamdaman.

“Hindi mo talaga maki-create yan. Lalo na sa sitwasyon ni Gigi dahil it’s her first time to act. All you can do bilang partner niya is to make her as comfortable as possible.” Dagdag pa ng aktor.

“Siyempre we’re in a very high pressure, sensitive, and vulnerable environment. Kailangan lang comfortable siya and then let the rest happen. Sa awa ng Diyos naging okay naman. Nag-enjoy kami and we feel like we made magic. I’m always open sa ganung tandem kasi it’s something fresh,” Komento pa nito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media