Connect with us

Showbiz

Barbie Hsu at mister nito na isang businessman, kumpirmadong hiwalay na!

Published

on

Bago pa man sumikat ang mga Korean drama sa bansa ay talaga namang minahal natin ang mga Taiwanese na TV series tulad na lamang ng Meteor Garden na isa talaga sa naging pinakasikat na palabas noong 2001. Ito ay pinagbidahan ng mga Taiwanese celebrities na sina Jerry Yan, Barbie Hsu, Vic Chou, Vanness Wu at Ken Chu.

Talaga naman hindi malilimutan ng maraming mga Pilipino ang palabas na ito na naging bahagi na ng kabataan ng marami sa atin. Hanggang sa ngayon ay sinusubaybayan at nakikibalita pa rin tayo sa mga buhay nila sa harap at likod ng kamera.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang maging usap-usapan ang diumano ay paghihiwalay nina Barbie Hsu at asawa nitong businessman na si Wang Xiaofei. Ang aktres daw mismo ang nag-file ng diborsyo ngunit walang sinabing dahilan ang magkabilang panig.

Mayroong ilang mga ulat na nagsasabing hindi raw alam ng asawa ng aktres na ito ay nag-file ng diborsyo. Habang ang ilang mga ulat naman ay naglalaman ng balitang angkaniyang mister ay mayroong ibang karelasyon ngunit hindi pa rin ito napapatunayan.

Mas lalong uminit ang usapin ng i-unfollow ng aktres ang kaniyang asawa sa social media. At nito lamang ay nakumpirma na nga ang paghihiwalay ng dalawa mula sa kanilang mga abogado.

Ayon pa sa inilabas nilang pahayag ay paghahatian daw ngdating mag-asawa ang kanilang mga assets na nagkakahalaga ng $46.6 million. Gayundin naman “S Hotel” nila na matatagpuan sa Taipei na nagkakahalaga ng $350 million.

Nagpaabot din sila ng pasasalamat mula sa mga taong nagmahal at sumuporta sa kanilang pagsasama. Hiling nila na sana ay irespeto daw ng publiko ang kanilang naging desisyon.

Taong 2010 nang ikasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa Beijing. Ang 45 taong gulang na aktres ay nabiyayaan ng dalawang anak sa kaniyang dating mister sina Wang Hsi-Lin at His-Yueh Wang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media