Connect with us

Showbiz

Cassy Legaspi nadulas at nasabing “Parang relationship namin malinaw na.” habang nakasakay sa sasakyan ni Darren Espanto!

Published

on

Marami na tayong nabalitaan at nasaksihan na mga tambalan sa harap at likod ng kamera. Talaga namang nakasubaybay tayo ng husto sa mga iniidolo nating artista lalo na kung sila ay mayroon nang nahanap na kapareha o minamahal sa buhay.

Kadalasan pa nga ay napapamahal na rin tayo sa kanilang mga anak at sa pamilyang sinimulan nila pareho. Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya sa Pilipinas ang pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Sila ay mga batikang artista na at napapanuod din nating gumanap bilang mga mahuhusay na hosts. Nabiyayaan sila ng anak na kambal, sina Cassy at Mavy Legaspi na ngayon ay unti-unti na ring gumagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya.

Sa edad na 20 taong gulang ay talaga namang marami na rin ang napahanga ng kambal sa talento nila sa pag-arte. May mga proyekto na rin na naipagkatiwala sa kanila.

Halimbawa na lamang si Cassy na napabilang sa Studio 7 noong 2018, First Yaya at First Lady taong 2021 at 2022. Kamakailan lamang ay naging maugong ang pagiging sweet at malapit nina Cassy at singer na si Darren Espanto.


Si Darren Espanto ay Filipino-Canadian singer at aktor. Siya ay nakilala at hinangaan ng marami nang siya ay mapabilang sa mga finalists ng “The Voice Kids 2014” kung saan si Lyca Gairanod ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng livestream ang dalawa habang sila ay nakasakay sa sasakyan at nagmamaneho patungong Pampanga.

Maraming mga netizens ang talagang kinilig sa naging usapan nila sa livestream na ito. Nobyembre 11 nang sila ay bumiyahe patungong Pampanga para sa isang brand endorsement.

Nagkukulitan ang dalawa nang biglang marinig si Cassy na nagsalita at sinabing “Ayan, malinaw na daw. Thank you.”

“Parang relationship namin, malinaw na.” Hirit pa ng dalaga sabay tingin na tila nanunukso sa kaniyang katabi na si Darren. Nagsalita din naman ang singer at sinabing napa-react daw si Ate Nesty sa tinuran ng dalawa.

Siya ang personal assistant ni Cassy.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media