Connect with us

Showbiz

Yassi Pressman, ibinahagi ang naging masayang karanasan niya sa Isla ng Siargao kung saan siya nagbakasyon kamakailan lamang!

Published

on

Si Yasmin Isabel “Yassi” Yasto-Pressman ay isang 26 na taong gulang na Filipina-British model, aktres, television personality, singer at dancer. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Nakilala rin siya bilang si Alyana sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Marami talaga ang humanga sa kaniya sa naging pagganap niya sa karakter niyang ito.

Kahit madalas ay abala siya sa kaniyang mga trabaho ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang magsaya at magbakasyon. Sa katunayan nga ay namasyal siya at nagbakasyon sa isla ng Siargao kamakailan lamang.

Nagbahagi siya ng ilang mga videos at mga larawan niya rito. Isa na marahil sa pinaka-pinag-usapang larawan niya ay ang kaniyang pagligo sa isang poso.

Isa ito sa mga simpleng pamamaraan ng mga taga-probinsiya lalo na kung maglalaba, mag-uurong, mag-iigib, o maliligo. Ngunit nang gawin ito ni Yassi ay pumukaw sa publiko na siya ay nakasuot pa ng sombrero.

Sa kabila nito ay makikita din ang labis na kasiyahan ng aktres sa ginawa niyang ito. Kakatapos lamang niyang mag-surfing ng mga oras na iyon kung kaya naman laking-pasasalamat niya nang payagan siya ng kanilang kapitbahay na magbanlaw muna sa kanilang poso.

Binisita din ng aktres ang kaniyang kaibigan na si Andi Eigenmann na naninirahan na ngayon sa isla kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak na si Ellie (panganay ni Andi sa dating nobyong si Jake Ejercito), Lilo, at si Koa. Talaga namang maraming natutunan si Yassi at marami din siyang natuklasan sa pagbabakasyon niyang ito.

Inihalintulad din niya ang buhay sa surfing na kung saan marami ding malalakas na ahon at pagsubok tayong mararanasan ngunit kailangan talaga nating magpakatatag at patuloy na sumubok sa buhay. Mahalaga din daw na bigyang-halaga natin ang ating “mental health” lalo na sa gitna ng pandemyang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

Malaking tulong ang pagbabakasyon upang mas maging malusog ang ating pangangatawan lalo na ang ating kaisipan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media