Connect with us

Showbiz

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, ipinagtanggol ang anak niya at si Aljur sa kanilang mga bashers dahil diumano sa kanilang lantad nang relasyon ngayon!

Published

on

Marami ang kinilig noon sa naging pagbabalikan at enggrandeng pagpapakasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kahit pa nga mukhang masaya at buo ang kanilang pamilya noon ay nauwi rin ito sa hiwalayan ng mag-asawa. Inamin ni Kylie sa isa sa mga social media posts niya na matagal na rin silang hiwalayan ng aktor at nasa co-parenting status na lamang sila para sa kanilang mga anak.

Napag-usapan at napagkasunduan na rin daw nilang dalawa na maaari naman silang makipag-date sa iba kung kanilang nanaisin. Kaugnay nito ay marami nang na-link kay Aljur at sinasabi ng publiko na ito raw ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.


Una nang na-link ang aktor kay Cindy Miranda na kaniyang leading lady sa pelikula nilang “Nerissa”, pinabulaanan naman ito ni Cindy. At kamakailan lamang ay inamin naman ng isa pa niyang katrabaho sa pelikula na nililigawan nga siya ng aktor.

Ito ay walang iba kundi si AJ Raval. Sampung taon ang tanda ng aktor sa dalaga ngunit hindi ito naging hadlang upang magkamabutihan sila. Maraming mga netizens din ang nagulat ng kumalat ang ilang mga larawan at mga videos nila habang nasa isang mall – magkahawak-kamay at magkaakbay na namimili.

Dahil sa mga usaping ito ay maraming mga netizens ang talagang nagalit sa kanila dahil diumano sa kanilang relasyon. Nang minsang mag-post ang nanay ni AJ na si Alyssa Alvarez ng larawan nila ni Aljur ay talagang pinutakte ito ng maraming mga bashers.

Hindi naman nagdalawang-isip si Alyssa na sagutin ang mga bashers na ito. Ipinagtanggol ni Alyssa ang kaniyang anak at ang diumano ay nobyo nitong si Aljur.

Nakakatiyak din daw ang dating aktres na hindi pahihintulutan ng Panginoong Diyos na masaktan ang kaniyang anak. Sinabi din niyang “we can never tell what tomorrow may bring…”


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media