Connect with us

Showbiz

Alwyn Uytingco, binigyan ng “second chance” ni Jennica Garcia para sa kanilang pamilya!

Published

on

Si Alwyn Uytingco ay 33 taong gulang na aktor mula sa Quezon City. Isa rin siya sa mahuhusay na aktor sa industriya kung kaya naman marami na ring proyekto ang naipagkatiwala sa kaniya.

Ikinasal sila ng aktres na si Jennica Garcia noong taong 2014. Ang 31 taong gulang na si Jennica ay anak nina Jean Garcia at Jigo Garcia.

Sila ay nabiyayaan ng dalawang mga anak ngunit nito lamang 2021 ay napabalita ang hiwalayan ng dalawa. Kung marami tayong nababalitaan na mga artistang nagpapakasal at bumubuo ng pamilya, marami din namang mga sikat na personalidad na nauuwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Bagamat hindi na ibinunyag pa ng mag-asawang Alwyn at Jennica ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay sobra namang nagpasalamat ang aktor dahil sa ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ni Jennica. Tulad nga ng madalas nating marinig sa mga matatanda, ang pag-aasawa o ang pagpapakasal ay hindi isang mainit na kanin na kapag ikaw ay napaso ay agad agad mong mailuluwa.

Kailangan talaga ang matinding pang-unawa, pagtitiis, at pagmamahal. Tunay nga na hindi ito madali lalo na kung mayroong mga pagkukulang ang asawa sa isa’t-isa o di kaya naman ay mayroong naging kasalanan ang isa sa kanila.

Ngunit bandang huli ay sila pa rin ang makakapag-ayos ng kanilang pamilya. Kaniya kaniya din naman tayo ng mga pinagdaraanan sa buhay at habang nabubuhay tayo ay tiyak na wala ring tigil ang mga pagsubok at problema.

Napakasarap lang sa pakiramdam na sa pagharap mo sa mga problemang ito ay hindi ka na mag-iisa pa dahil sa mayroon kang katuwang sa araw-araw. Umani rin naman ng maraming positibong komento ang balitang ito mula sa mga netizens.

Marami ang nagbahagi ng kanilang mga personal na karanasan mula sa mga relasyon na tuluyan nang natuldukan at sa mga relasyon na muling nagbigyan pa ng isang pagkakataon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media