Connect with us

Showbiz

Pauleen Luna, ipinasilip sa publiko ang kanilang family beach trip, pina-wow ang marami dahil sa kaniyang fit body!

Published

on

Isa na marahil sa mga natutunan natin sa gitna ng pandemyang ito ay ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa ating mga mahal sa buhay. Kahit gaano man tayo kaabala sa ating mga trabaho ay hindi natin dapat pabayaan na wala tayong mailaan na oras para sa ating pamilya.

Ito rin marahil ang isa sa mga dahilan ng mag-asawang Vic at Pauleen Luna-Sotto kung kaya naman talagang in-enjoy nila ang kanilang “family beach vacation”. Maraming ibinahaging larawan si Pauleen Luna habang sila ay nagbabakasyon sa isang napakagandang beach.

Nariyan ang family picture nila kung saan nakagitna si Bossing Vic sa kaniyang mag-ina habang todo ngiti din naman ang unica hija nilang si Tali. Mayroon ding sweet na mga larawan sina Bossing at Poleng kung saan nasa magkabilang dulo sila ng napakaganda at napakaaliwalas na view.


Maraming mga netizens din ang pumuri kay Bossing dahil game na game ito sa mga gusto ng kaniyang misis. Hindi lamang ang masayang bakasyon ng mag-anak ang kinagiliwan ng mga netizens dahil marami din ang nakapansin sa napakagandang pangangatawan ngayon ni Pauleen.

Suot ang kaniyang two-piece black swim wear ay talagang para bang hindi siya nanganak halos apat na taon na ang nakakalipas. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong PCOS ang host ngunit nagagawa pa rin niyang maging malusog hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi lalo na para sa kaniyang mag-ama.

Tunay nga na kailangang alagaan natin ang ating kalusugan at pangangatawan may sakit man tayo o wala. Dahil magagawa lamang nating alagaan ang ating mga mahal sa buhay kung aalagaan din muna natin ang ating sarili.

Sabi nga ng mga matatanda, hindi mo maibibigay sa iba ang wala ka. Kung kaya naman kapag mahal mo ang iyong sarili ay tiyak na mas makapagbibigay ka ng higit na pagmamahal sa iyong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media