Connect with us

Showbiz

Celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, kinakiligan ng maraming netizens dahil sa post ng Eat Bulaga host!

Published

on

Marami na tayong nababalitaang mga paghihiwalayan lalo na sa industriya ng showbiz. Ilan sa kanila ay mga magkasintahan pa lamang habang ang iilan naman ay mga ikinasal na.

Nakakalungkot isipin dahil minsan na natin silang hinangaan dahil sa kanilang wagas na pag-iibigan. Mayroon din sa kanila ang biniyayaan na ng mga anak ngunit wala na rin silang ibang magawa kundi ang tuluyan nang maghiwalay bilang mag-asawa at ipagpatuloy na lamang ang responsibilidad nila sa kanilang mga anak.

Dahil natapos man ang kanilang pagmamahalan ay hindi naman matatapos kailan man ang pagiging mga magulang nila sa kanilang mga anak. Sa kabila ng mga pangyayaring ito ay mayroon pa rin namang iilang mga celebrity couple na mas pinapatatag at mas pinatitibay pa ng panahon.

Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Taong 2009 nang sila ay ikinasal at makalipas ang halos isang dekada ay nabiyaan sila ng tatlong mga anak sina Yohan, Lucho, at Luna.

Kamakailan lamang ay marami ang kinilig sa naging post ni Ryan sa kaniyang Instagram. Ayon sa naging caption ng Eat Bulaga! host ay batid na niya ang dahilan kung bakit “swak” sila ng kaniyang misis na si Juday.

Ito ay dahil daw sa kung maka-asta ang batikang aktres ay animo’y “petite” siya habang si Ryan naman ay astang “6-footer”! Talaga namang napakasimple lamang ng mga salitang ipinahayag niya ngunit maraming mga netizens ang talagang kinilig ng husto.

Tunay nga na mas lalo pang tumatatag ang relasyon nilang dalawa sa paglipas ng panahon. Hindi lamang kasi sila mag-asawa, magkaibigan, business partner, kundi magkatuwang din sila sa bawat desisyon nila sa kanilang pamilya.

Hindi madali at hindi simple ang pinagdaraanan ng bawat pamillya ngunit sa kab ila ng matinding pagsubok at sakripisyo ay talagang naroroon ang pagmamahal at pagsuporta ng mag-asawa at ng kanilang mga anak para sa isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media