Connect with us

Showbiz

Sarah Lahbati, sinorpresa ng kaniyang asawang si Richard Gutierrez ng isang bagong SUV para sa kaniyang kaarawan!

Published

on

Si Sarah Alzol Lahbati-Gutierrez ay 28 taong gulang na aktres at modelo mula sa Geneva, Switzerland. Una na natin siyang napanuod sa 5th season ng reality show na StarStruck kung saan naman naging host ang mister niyang si Richard Gutierrez.

Taong 2020 nang ikasal ang dalawa na ngayon ay mayroon nang dalawang anak sina Zion at Kai Gutierrez. Talaga namang isa sila sa mga celebrity couple na hinahangaan ng publiko dahil sa pagiging matatag ng kanilang pagsasama.

Inamin noon ng aktor na niligawan niya si Sarah habang sila ay mayroong ginagawang proyekto at bago matapos ito ay naging opisyal na silang magkasintahan hanggang sa nabibiyaan sila ng panganay nilanag si Zion. Kamakailan lamang ay nagdiwang si Sarah ng kaniyang kaarawan kung saan sinorpresa siya ng aktor ng isang napakagandang “outdoor celebration” sa Bulod Campsite kasama ang kanilang mga anak.


Inilarawan ito ni Sarah na “adventurous, soulful, and unforgettable”. Labis siyang nagpasalamat sa kaniyang mister para sa sorpresang ito ngunit ilang araw pa lamang ang lumilipas ay mayroon na namang panibagong sorpresa si Richard.

Binilhan niya kasi ng isang SUV jeep ang kaniyang may bahay. Regalo daw niya ito para sa kaniyang kaarawan. Sobrang nasorpresa at labis na natuwa si Sarah. Hindi niya daw ito inaasahan at hindi rin daw siya sanay na makatanggap ng ganitong klaseng regalo dahil noon pa man ay gusto niyang pinaghihirapan ang mga bagay na gusto niyang makuha.

Ang 2021 Sarge Green Wrangler JL Rubicon na ito ay ni-launch para sa 80th anniversary ng naturang brand at nagkakahalaga lang naman ito ng $42,375 o mahigit Php2,150,531! Hindi lamang daw “the best dada” ang aktor sa kanilang mga anak dahil palagi daw nitong ipinararamdam kay Sarah na siya ang kaniyang reyna!

Talaga namang umani ito ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko. Sadyang mapapa-“Sarah All!” ka na lang hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media