Connect with us

Showbiz

KC Concepcion, ibinahagi sa publiko kung bakit komportable siya sa LA fashion kung saan malaya niyang naisusuot ang mga gusto niyang OOTDs!

Published

on

Hindi lamang buhok ang “crowning glory” ng mga kababaihan. Para sa iilan ay talagang nagbibigay din ng kumpiyansa sa sarili ang pagsusuot ng magagandang mga kasuotan lalo na kung naipapahayag mo ang iyong katauhan at damdamin sa mga kasuotang ito.

Damit, mga bag, sapatos at iba pang mga “accessories” ang talaga namang bumubuo sa isang kumpletong OOTD ng maraming mga kababaihan lalo na ng mga sikat na personalidad. Isa na marahil sa kanila ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Siya ay si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay. 36 na taong gulang na siya at isang kilalang aktres, singer, dancer, host, entrepreneur, socialite at humanitarian.

Marami ang humahanga sa kaniya hindi lamang dahil anak siya ng dalawang pinakasikat na personalidad sa showbiz kundi dahil nagawa rin niyang ipakilala ang sarili niyang pangalan sa publiko.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na talagang may talento din siya sa pag-arte at pag-awit tulad ng kaniyang mga magulang.

Maliban dito ay hindi rin maipagkakaila ang kaniyang “taste” pagdating sa fashion. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko kung bakit nga ba paborito niya ang LA fashion.

Ibinabagay daw niya kasi ang kaniyang kasuotan sa klima at kultura ng isang bansa. Sa Pilipinas ay hindi ganoon katanggap ng publiko ang pagpapakita ng malaking balakang o malaking likuran kung kaya naman hindi rin niya ito madalas gawin dito.

Sa Los Angeles, California naman kung nasaan siya namamalagi sa ngayon ay malaya niyang nasusuot ang kaniyang mga gustong OOTDs. Gustong gusto niya raw talagang haluan ng “luxury” ang mga “low maintenance pieces”.

At talaga namang nagiging napakaganda ng mga pagpapares-pares niyang ito. Masaya din siya dahil sa nagagawa niyang ma-express ang kaniyang sarili pagdating sa mga kulay na kaniyang isinusuot.

Dagdag pa niya ay nais niya rin ang maging “minimalist” paminsan-minsan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media