Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, handang ibigay ang lahat para sa kagalingan ng kaniyang kapatid na si Mona!

Published

on

Si Ivana Alawi o si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi sa tunay na buhay ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, endorser, at YouTuber. Marami ang humahanga sa kaniya ngayon hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan at magandang pangangatawan kundi dahil sa pagiging simple, totoong tao niya at sobrang mapagmahal sa pamilya.

Dahil sa kaniyang kabutihan sa kapwa ay hindi na nakapagtataka na marami ring biyaya ang dumarating sa kaniya. Marami nang mga proyekto ang ipinagkakatiwala sa kaniya ngayon kumpara noon.


Mayroon na din siyang higit sa 14.2 milyong tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel na palaging nanunuod ng kaniyang mga vlogs. Kamakailan lamang ay naimbitahan at nakapanayam siya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

Sa kanilang naging pagkukwentuhan ay ibinahagi ni Ivana ang mga naranasan niyang rejections noon nang magsimula siyang pumasok sa industriya ng showbiz. Marami na rin daw siyang nilahukan na mga auditions at commercials ngunit halos lahat daw ng mga iyon ay walang kumuha sa kaniya.

Sumuko na siya sa kaniyang pangarap na maging isang artista at sumubok na lamang ng ibang bagay tulad na lamang ng pag-aaral niya ng culinary dahil gusto niyang maging isang mahusay na “housewife”. Nabigyan na lamang siya muli ng pagkakataon ng pinayuhan siya ng kaniyang kapatid na si Mona Alawi na mag-vlog sa YouTube.

Ito na ang simula ng kasikatan ng isang Ivana Alawi. Tinanong din siya ni Ogie kung sino ang kaniyang crush sa showbiz, wala siyang ibang sagot kundi ang aktor na si Joshua Garcia, bagamat hindi pa talaga sila nagkikita ng personal ay inamin naman niyang nagkakapalitan sila ng mensahe sa isang social media platform.

Naging emosyonal din siya nang mapag-usapan nila ang karamdaman ng kaniyang kapatid na si Mona na kailangang mag-insulin araw-araw. Hanggang sa ngayon daw ay naghahanap pa rin sila ng iba pang mas mabisang pamamaraan at gamot para sa kaniyang kapatid.

Kaya daw ibigay ni Ivana ang lahat ng mayroon siya para lamang sa kagalingan nito. Para kasi kay Ivana, napakahalaga at napakaimportante ng kaniyang pamilya – ang kaniyang ina, kapatid na si Mona, si Hash at ate nilang si Amira.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media