Connect with us

Showbiz

MJ Lastimosa, ipinasilip sa publiko ang kaniyang mga bigating photographers para sa kaniyang mga OOTDs, mga beauty queen title holders lang naman!

Published

on

Kung pagandahan lang naman ang pag-uusapan, tiyak na hindi magpapatalo ang gandang Pilipina. Noon pa man ay talagang kinikilala at hinahangaan na ng maraming mga Pilipino ang mga Pinay beauty queens.

Sa katunayan ay marami na rin tayong mga kababayan na nagbigay karangalan sa bansa sa larangang ito. Sa Miss Universe ay mayroon tayong apat na mga Pilipinang nag-uwi ng korona.

Isa naman sa Miss World, anim sa Miss International at apat sa Miss Earth. Hindi maipagkakaila na hindi lamang ganda at kaseksihan ang mayroon sa mga Pilipina kundi ang mabuting puso at nakakamanghang talino.

Ngunit maliban pala sa mga ugali at karakter na ito ay marami din sa ating mga beauty queens ang talagang masayahin. Hindi sila tulad ng mga napapanuod natin madalas sa harap ng kamera na tahimik at hindi makabasag-pinggan dahil sa talagang batid din nila kung kailan magbibiro at kailan magsasaya.

Tulad na lamang halimbawa ng beauty queen na si MJ Lastimosa. Si MJ o si Mary Jean Ramirez Lastimosa ay 33 taong gulang na Filipino-Arabian model, aktres, host at kinoronahan din bilang Miss Universe Philippines 2014.


Siya ang naging kinatawan ng bansa para sa Miss Universe 2014 pageant kung saan napabilang siya sa Top 10 semifinalist. Sa ngayon ay madalas siyang mapanuod sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga!”

Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mahilig pala sa mga OOTDs si MJ. Sa katunayan pa nga ay hindi basta basta ang kaniyang mga photographers.

Para sa kaniyang mga pangmalakasang OOTDs ay naging photographer niya lang naman sina Janine Tugonon, Rabiya Mateo, at maging ang bagong Miss Universe Philippines 2021 Bea Gomez. Gayundin naman ang mga runners-up na sina Victoria Velasquez Vincent, at Maureen Wroblewitz.

Maging si Shamcey Supsup-Lee na isang lisensyadong arkitekto at national director ng MUPH organization ay kabilang din sa mga bigating photographers ni MJ. Hindi rin naman nawala sa listahan si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez at ang mga international beauty queens na sina Miss Grand International 2020 Abena Akuaba Appiah at Miss Universe Nepal 2020 Anshika Sharma.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media