Connect with us

Showbiz

Ian Veneracion, suportado ang kaniyang unica hija sa kabila ng pag-amin nitong siya ay isang “lesbian”

Published

on

“Hindi tumatanda”, “bampira”, “certified crush ng bayan”, ilan lamang iyan sa mga salitang madalas na ginagamit ng maraming mga Pilipino upang ilarawan ang aktor, piloto, atleta, at musikerong si Ian Veneracion. Sa edad na 46 taong gulang ay talagang kayang-kaya pa niyang makipagsabayan sa mga batang artista ngayon.

Hindi lamang siya talento kundi talagang napakagwapo din niya. Aakalain mo ngang hindi siya talaga tumatanda dahil ang hitsura niya noon at ngayon ay hindi naman talaga nagkakalayo.

Marami pa nga ang nagbibiro na tila huminto na sa pagtanda ang aktor dahil talagang mukhang bata pa rin ito hanggang ngayon. Bagamat marami ang nagkaka-crush kay Ian, isang babae lamang ang laman ng kaniyang puso.

Siya ay walang iba kundi ang kaniyang asawa na si Pam Gallardo na isang industriyal engineer. Mayroon silang tatlong mga anak.

Sina Deirdre Veneracion, Tristan Draco Veneracion, at Duccio Veneracion. Nang minsang makapanayam sina Ian at unica hija niyang si Dids ay naikwento nila ang naging pag-amin ni Dids tungkol sa kaniyang sarili.

Nang minsan daw na nag-aayos ng kaniyang motor ang aktor ay lumapit sa kaniya ang kaniyang anak at maluha-luhang sinabi na gusto daw niya ay babae. Hindi naman na nagulat si Ian at sumagot na babae rin daw ang gusto niya.

Nagtaka ng husto si Dids sa sagot ng kaniyang ama kung kaya naman agad nitong ipinaliwanag sa kaniyang anak na hindi siya dapat maging “apologetic” sa ibang tao dahil lamang sa nagpakatotoo siya sa kaniyang sarili. Nakakapanghinayang daw kasi dahil sa iisa lamang ang ating buhay kung kaya naman dapat ay maging masaya ka sa buhay mong ito.

Napag-usapan din daw nilang mag-asawa ang tungkol kay Dids at wala rin namang pagtutol ang kaniyang misis lalo na kung para sa ikaliligaya ng kanilang anak. Nakasuporta daw ang buong pamilya sa kaniya, dagdag pa ni Ian.

Napakapalad ni Dids dahil sa pambihirang pagmamahal at suporta sa kaniya ng kaniyang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media