Connect with us

Showbiz

Dating nobyo ni AJ Raval na si Axel Torres, naghandog ng awitin sa dating nobya na pinamagatang “Traitor” kasama ang ilang mga larawan ng dalaga!

Published

on

Marami ang nagulat nang mapabalita ang hiwalayan ng celebrity couple Aljur Abrenica at Kylie Padilla na mayroon na ding dalawang mga anak. Una nang na-link ang aktor sa kaniyang co-star sa Nerissa na si Cindy Miranda ngunit pinabulaanan naman ito kaagad ng aktres.

Makalipas pa ng ilang linggo ay mayroon na namang espekulasyon na si AJ Raval daw ang dahilan ng hiwalayang Aljur at Kylie. Nagsalita naman si Kylie patungkol sa isyung ito at nilinaw niyang matagal na silang hiwalay ng dating asawa.

Wala na rind aw isyu sa kaniya kung magkaroon man ito ng bagong karelasyon. Gigil na gigil naman ang maraming mga netizens nang makita ang mga kumakalat na larawan nina Aljur at AJ habang sweet na sweet na namamasyal at namimili sa isang mall.


Marami ding mga netizens ang nakapagpakuha ng larawan sa kanilang dalawa noong araw na iyon kung kaya naman talagang hindi ito nakaligtas sa publiko. Ayon naman sa mga nauna nang pahayag ng 21 taong gulang na aktres, hindi pa raw sila magkarelasyon ni Aljur ngayon dahil sa mas prayoridad niya ang trabaho at kagagaling lamang niya sa dalawang taong relasyon.

Ang dati niyang karelasyon ay si Axel Torres na dati na ring naging housemate ng “Pinoy Big Brother: All In”. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga posts online kung saan nilagyan niya ito ng mga lyrics na hango sa awitin ni Olivia Rodrigo na pinamagatang “Traitor”.

Sa mga lyrics na ibinahagi ni Axel ay mayroon ding mga larawan ng isang babaeng nakatakip ang mukha. Hinala ng marami ay si AJ ito.

Mapapansin sa mga larawang ito ang napakaganda at napakaespesyal na sorpresang handog para sa dalaga. Maraming mga netizens din ang nakikisimpatya ngayon hindi lamang kay Axel dahil sa tila napakabilis na pagmomove-on ni AJ kundi maging sa pamilya ni Aljur lalong lalo na sa dalawa nilang anak ni Kylie na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media