Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, niregaluhan ang kaniyang sarili ng 8-carat diamond ring na nagkakahalaga ng Php12 milyong piso!

Published

on

Sa dinami-rami ng mga magaganda at seksing artista ngayon sa showbiz, isa na si Ivana Alawi sa talagang hinahangaan at sinusuportahan ng maraming mga Pilipino. Minahal kasi ng marami niyang fans ang pagiging simple nito at ang malaking puso niya sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Madalas ding makikita sa kaniyang mga vlog kung gaano niya kamahal at kung gaano niya binibigyang halaga ang kaniyang pamilya. Dahil sa mga espesyal niyang katangian na ito ay mas marami pa ang sumubaybay at sumuporta sa kaniya.

Hindi na nakapagtatakang magkaroon ng 14.2 milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel. Marami na ring naipagkatiwala sa kaniyang proyekto at endorsements.


Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang mapabalitang 12 milyong piso diumano ang presyo ng singsing na binili niya para sa kaniyang sarili. Disyembre 2020 nang siya ay magdiwang ng kaniyang ika-24 na taong kaarawan.

Bumili siya ng malaki at napakagandang diamond ring para sa kaniyang sarili. Ayon kay Ivana, bakit pa raw niya hihintayin na may lalaking magregalo sa kaniya ng singsing kung kaya naman niyang bilhan ang kaniyang sarili?

Hindi daw nais ng vlogger na magyabang sa kung anong nabili niya para sa kaniyang sarili, nais lamang daw niyang regaluhan ang kaniyang sarili dahil batid niyang “deserve” niya din ito matapos nang kaniyang pagpapagal sa trabaho. Simbolo din ito ng pagsisipag niya sa trabaho upang maabot ang kaniyang mgaa pangarap.

Hindi lamang para sa kaniya kundi para na rin sa kaniyang pamilya. Masayang masaya siya dahil noon pa man ay hilig na raw niya ang mga gold accessories at nang magkaroon ng pagkakataon ay talagang pina-customize niya ang kaniyang singsing.

Binili niya ito sa LVNA by Drake Justin na minsan na rin niyang ipinasilip sa kaniyang vlog noong Enero 6, 2021. Ivana Moon ang pangalan ng kaniyang singsing na hango sa kaniyang pangalan.

Nilinaw din niyang hindi siya “engaged” sa kahit sino man at ito talaga ay binili niya bilang regalo sa kaniyang sarili.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media