Connect with us

Showbiz

Yamyam Gucong, ibinahagi ang ilang mga larawan ng ipinapatayo niyang bagong bahay!

Published

on

Si William Gucong o mas nakilala natin bilang si Yamyam Gucong ng “Pinoy Big Brother: Otso” ay hinangaan ng marami sa atin dahil sa pagiging simple nito at mapagpakumbaba. Nagsilbi din siyang inspirasyon sa marami dahil na rin sa kaniyang buhay sa labas ng bahay ni Kuya.

Marami din ang natuwa sa espesyal na pagkakaibigan nila ni Fumiya Sankai. Ayon sa ilang mga ulat, hindi na nagpatuloy pa sa ikalimang baitang ng elementarya si Yamyam dahil kinailangan na niyang magbanat ng buto para suportahan ang kaniyang pamilya.

Sa Cebu ay nagkaroon siya ng ilang mga trabaho tulad na lamang ng pagiging isang “water delivery man”. Naging isa rin siyang kasambahay noon.

Sinong mag-aakala na papalarin siyang makapasok at manalo sa sikat na show ng ABS-CBN, ang “Pinoy Big Brother”? Mula nang manalo siya rito ay nabigyan na rin siya ng ilan pang mga proyekto kung saan niya ipinamalas ang angkin niyang talento sa pag-arte at pagpapatawa.


Dahil na rin sa dedikasyon at pagsusumikap niya sa buhay ay hindi nakapagtataka na makapagpundar siya ng ilang negosyo at isa na nga sa mga ito ang kaniyang “Yamito’s bakeshop”. Sa ngayon naman, sa gitna ng pandemya ay nagpapatayo na siya ng isang bagong bahay.

Talaga namang katas ito ng kaniyang pagod at paghihirap nang nagdaang mga buwan at taon. Sa kaniyang post ay ipinasilip niya ang sinisimulan na niyang bahay. Hindi pa ito tapos ngunit marami na agad ang bumati sa tagumpay niyang ito dahil hindi biro ang magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya.

Biro din ni Yamyam ay talagang damang-dama daw niya ang “budget” at “pressure” sa pagpapagawa niyang ito ng bahay. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami talagang nagmahal na materyales ngayon at maging ang mga pangunahing bilihin ay nagtaas din lahat.

Tunay nga na kung ikaw ay masipag, walang imposible na maabot mo ang lahat ng iyong mga pangarap.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media