Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna at Derek Ramsay, pinasilip sa kanilang vlog kung gaano sila ka-hands-ons sa pag-aalaga kay Elias Modesto nang walang yaya!

Published

on

Napakalaking responsibilidad ang pagiging isang magulang. Mahirap at talagang nakakapagod kung isa rin ito sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo.

Lalo na at kung naibibigay mo ang lahat ng pangangailangan ng iyong anak. Bilang isang magulang ay wala din naman tayong ibang pangarap kundi ang mapabuti ang ating mga anak.

Nais nating magtagumpay sila at maging maligaya sa kanilang buhay. Kamakailan lamang ay naitampok ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang YouTube channel na “Derek and Ellen” kung gaano sila ka-hands-on kay Elias Modesto.

Si Elias Modesto ay ang anak ni Ellen sa dati nitong partner na si John Lloyd Cruz. Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang kumpirmahin nila ang kanilang paghihiwalay at co-parenting status ay naging maugong naman ang pagkakamabutihan nina Ellen at Derek.

Naging mabilis ang pangyayari sa kanilang relasyon dahil agad na inalok ng kasal ng aktor si Ellen na siya namang sinang-aayunan ng huli. Sa kanilang vlog ay makikita kung paano laruin ni Derek si Elias na talaga namang tuwang-tuwa kasama ang kaniyang magiging stepfather.

Si Ellen din naman ay sobrang hands-on sa kaniyang anak at siya pa mismo ang nagpapakain dito. Punong-puno ng kaligayahan at katatawanan ang buong araw ng pamilyang ito.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na parehong may kaniya-kaniyang anak sina Derek at Ellen sa mga nauna nilang nakarelasyon. Mapalad din naman sila sa isa’t-isa dahil tanggap at mahal nila ang kanilang mga stepkid.

Nakakatuwa ding malaman na sa modernong panahon natin ngayon na marami nang panghuhusga mula sa ibang tao ay nagagawa pa rin nilang maging masaya palagi lalo na sa tuwing sila ay magkasama. Si Ellen Meriam Go Adarna o mas nakilala natin sa showbiz bilang si Ellen Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo.

Siya ang heredera ng mayamang negosyante sa Cebu na may-ari ng Queensland at iba pang mga motel sa Cebu, Maynila, at Davao.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media