Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, pinabilib ang marami niyang fans dahil sa nakakalulang koleksyon niya ang mamahaling mga sapatos!

Published

on

Isa na marahil sa luho ng maraming mga kababaihan ngayon ang mga bag, damit, sapatos at iba pang mga accessories. Hindi na nakapagtataka na marami rin sa ating mga iniidolo ang talagang namumuhunan at bumibili ng mga mamahaling gamit na ito dahil na rin sa kanilang trabaho.

Isa na nga sa mga kilalang fashionista at influencer si Heart Evangelista. Ipinasilip niya sa isa sa kaniyang mga vlogs kung gaano na karami ang kaniyang koleksyon ng mga mamahaling sapatos.

Ibinahagi ng aktres na noon pa mang bata siya ay hilig na niya talaga ang mga sapatos. Naalala din niya noon nang minsan niyang sinuot ang sapatos ng kaniyang ina ay hindi sinasadyang nahulog siya sa hagdan at kinailangang dalhin sa ospital.

Pitong tahi daw ang ginawa sa tabi ng kaniyang mata. Isa na nga sa pinakalumang sapatos niya sa kaniyang koleksiyon ay ang “Louis Vuitton Wedges” na nabili niya noong siya ay edad 18 o 19 na taon pa lamang.
Sumunod naman ang kaniyang “Louis Vuitton Heels” na binili niya noong siya ay 23 taong gulang pa lamang. Marami din siyang koleksyon ng Giussepi Zannotti at YSL Tributes.

Nang siya ay nasa 24 o 25 taong gulang ay nakahiligan na rin niya ang pangongolekta ng “Loubutin Shoes” habang “Dolce Gabbana laces shoes” naman ang gamit niya sa tuwing siya ay mayroong kailangang gawin nang mabilisan. Napakakomportable daw nitong isuot.

Ipinasilip din niya ang kaniyang Casadei, Tony Bianco – isang Australian brand, at Rene Caovilla sa kaniyang designer shoe collection. Talaga namang napakaraming magagandang sapatos ni Heart.

Nakadagdag din daw ito ng kumpiyansa sa kaniyang lalo na at hindi siya ganoon katangkad. Sa paglipas ng panahon ay wala pa rin namang nagbabago sa aktres.

Maaaring nadadagdagan ang kaniyang edad ngunit ang angkin niyang kagandahan at busilak na kalooban sa pagtulong sa kapwa at sa mga hayop ay talagang walang kapares.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.