Connect with us

Showbiz

Pauleen Luna, masayang masaya sa bagong achievement ng kaniyang anak na si Tali dahil nagawa nitong kantahin ang “Salvation Poem” at “Glory to God”!

Published

on

Bilang isang magulang, napakasarap sa pakiramdam na makita ang ating mga anak na lumalaking malusog at masaya. Sa gitna ng pandemya ngayon ay mas naging malaking hamon ang pagpapalaki at paggabay sa ating mga anak dahil sa Pilipinas ay hind i pa pinapayagang lumabas ang mga bata.

Kung kaya naman kaniya-kaniya rin tayo ng pamamaraan kung paano matutulungan ang ating mga anak na hindi mainip sa loob ng bahay. Kamakailan lamang, isa sa mga naging hilig ng anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto ang pag-awit.

Marami ang bumilib kay Talitha Maria Sotto o mas nakilala natin bilang si Tali nang mapanuod nila ang video nito habang kumakanta ng “Salvation Poem”, hindi napigilan ni Pauleen na maging emosyonal dahil sa natuklasan niyang ito. Laking pasasalamat din niya sa Diyos dahil lumalaki ng may takot sa Diyos ang tatlong taong gulang nilang anak.


Maliban sa awiting ito ay sumasabay din si Tali sa awiting “Glory To God” habang nanunuod sila ng online mass ng kaniyang mga magulang. Maliban sa mga videos na ito ay mayroon pang ibinaging video si Pauleen na kuha mismo ng kaniyang mister na si Vic.

Makikita sa video na ito ang pag-awit ni Pauleen habang si Tali naman ang tumutugtog ng drums. Hindi lamang isang matalino at maka-Diyos na bata si Tali dahil sa marami din itong mga talento na sa murang edad ay talagang sinusubukan nang suportahan at hasain ng kaniyang mga magulang.

Nakakatuwang malaman na sa gitna ng pandemya ay marami pa rin pala tayong maaaring gawin kasama ang ating pamilya at ang ating mga anak. Tayong mga magulang ang kauna-unahang tagahanga ng ating mga anak at tayo din ang magiging dahilan upang mas malinang nila ang mga talento nilang ito.

Kung kaya naman sana, kahit pa gaano ka-busy ang mga magulang ay magkaroon pa rin sila ng sapat na oras para sa kanilang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media