Connect with us

Showbiz

Jhong Hilario, nagbahagi ng ilang mga nakakatuwang bonding moments nila ng kaniyang 6-month old baby na su Sarina!

Published

on

Isa na marahil sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ang pagiging isang magulang. Marahil sa umpisa ay matatakot ka at kakabahan kung kaya mo ba talagang magpalaki ng isang sanggol na mula mismo sa iyong laman at dugo.

Maraming gabing magpupuyat ka, mga araw na mapapagod ka at napakarami pang pagsasakripisyo ngunit ang lahat ng ito ay talagang nawawala naman agad sa simpleng ngiti lamang o yakap ng ating mga anak. Tunay nga na biyaya sila ng Diyos para sa atin.

Kahit nga ang sikat na dancer, host, aktor, at pulitiko na si Jhong Hilario ay sobrang hands-on sa kaniyang unica hija na si Baby Sarina. Si Baby Sarina ang anak nila ang kaniyang longtime partner na si Maia Azores.

Sa ngayon ay anim na buwang gulang na siya at talaga namang mas nagiging cute siya sa paglipas ng panahon. Madalas ding makikita si Jhong na nagbabahagi ng kanilang mga kuhang larawan at videos.

Ilan sa kanilang mga cute na larawan ay makikitang tila kinakantahan o tinuturuan ni Jhong ang kaniyang anak na mag-gitara. Mayroon pang isang larawan kung saan makikitang nagbabasa sila ng libro.

Tunay nga na hindi alintana ni Jhong ang puyat at pagod sa pag-aalaga sa kanilang cute na baby. Kahit pa nga abala si Jhong sa kaniyang trabaho bilang konsehal ng Makati ay palagi pa rin siyang may oras para sa kaniyang partner at sa kanilang anak.

Marami ang mga netizens na humanga at bumilib sa kaniya. Hindi lamang naman ang mga ina ang napapagod sa araw-araw na pag-aalaga sa kanilang pamilya kundi maging ang ama o haligi ng tahanan ay pagod dahil sa kanilang trabaho para lamang kumita ng pera pangsuporta sa buong pamilya.

Patunay lamang ito na kahit gaano pala tayo kaabala sa maraming mga bagay, kaya pa rin natin talagang gumawa ng oras at panahon para sa ating pamilya kung gugustuhin natin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media