Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre usap-usapan ngayon matapos bumili ng isang bagong Ducati Scrambler Sixty2!

Published

on

Maraming mga magaganda, seksi, at sikat na artista ngayon sa industriya ng showbiz. Mayroong iilan sa kanila ang talagang pinagpapala na makamit ang kasikatan na siya ring nagdadala sila ng pag-asenso sa buhay.

Batid naman ng maraming mga Pilipino na sa oras na maging isa ka nang sikat na artista ay mas malaki na ang kikitain mong pera. Magagawa mo na ring bumili at magpatayo ng pangarap mong bahay.

Ilang mga sikat na artista din naman ang nagpapatuloy ng kanilang mga pag-aaral, nangingibang-bansa at doon namamasyal o nagbabakasyon, at mayroon din namang bumibili ng mga bagay na matagal na nilang gusto. Isa sa pinakasakit na artista ngayon sa bansa si Nadine Lustre.

Minsan na natin siyang minahal at hinangaan sa tambalang JaDine – on and off screen love team ng dalawa. Nagtagal man ang ilang taon ang kanilang relasyon ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Marami sa kanilang mga fans ang talagang nasaktan ngunit minabuti na lamang nilang igalang ang desisyon ng dalawa. Sa ngayon ay mayroon na silang kaniya-kaniya nilang buhay.

Kamakailan nga lamang ay namataan si Nadine na nagbabakasyon sa napakagandang isla ng Siargao kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ayon naman sa ilang mga artikulo ay kasama din niya sa pamosong tourist destination ang kaniyang rumored boyfriend na si Christopher Bariou.

Minsan pa ay muli na naman siyang naging headline matapos siyang makita sa Ducati Manila sa Quezon City. Diumano ay bumibili raw ang aktres ng isang mamahaling motorsiklo – Ducati Scrambler Sixty2 na nagkakahalaga lang naman ng tumataginting na Php499,000!

Ang napakagarang motorsiklo na ito ay katulad din daw ng kay James Reid. Mayroon pang ilang mga bali-balitang cash ito binayaran ni Nadine.

Hindi makapaniwala ang maraming mga netizens na ganito kamahal ang hobby ngayon ng aktres. Sari-sari man ang kanilang naging reaksyon, wala silang ibang bukambibig kundi ang pagiging Badass Chic ng aktres na isa sa mga katangiang minahal sa kaniya ng kaniyang mga fans.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media