Connect with us

Showbiz

Ina Raymundo, wala pa ring kupas ang ganda at kaseksihan sa edad na 45 taong gulang!

Published

on

“Time flies so fast.” Isa lamang ito sa mga katagang madalas nating marinig patungkol sa kung gaano na nga ba kabilis lumilipas ang panahon.

Hindi natin namamalayan na marami na palang nagaganap sa ating kapaligiran. Marami na palang pagbabago ang hindi natin napapansin.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga throwback pictures na ito ng aktres at modelo na si Ina Raymundo. Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas nakilala natin bilang si Ina Raymundo ay isang sikat na aktres, modelo, at singer.

Una na natin siyang hinangaan sa pagganap niya sa 1995 commercial ng San Miguel Beer na “Sabado Nights”. Sa kaniyang mga larawan ay makikita kung gaano kaganda at kasimple si Ina.

Mayroon siyang lumang larawan noong siya ay bata pa at kapansin-pansin din ang classic dress niya na bagay na bagay sa kaniya. Nasaksihan din natin ang maiiksi niyang buhok kung saan talagang makikita mo pa rin ang natatangi niyang ganda.


Sa ngayon ay masasabi pa rin natin na wala namang nagbago sa kaniyang hitsura dahil nagawa niyang mapanatili ang maalindog niyang pangangatawan. Napakahalaga ng kalusugan para sa aktres lalo na ngayon at mayroon siyang limang mga anak sa mister niyang si Brian Poturnak.

Ang kaniyang mga anak ay sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve. Sinong mag-aakala na mayroon na siyang limang anak at ang kaniyang edad ngayon ay 45 na?

Nagsisilbi din siyang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan na hindi dapat maging hadlang kailanman ang edad, ang mga anak, o ang pagiging abala sa buhay upang hindi natin alagaan ang ating mga sarili. Tandaan na kailangan nating maging malakas at malusog hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa ating pamilya.

Kung kaya naman hindi natin dapat kaligtaan at balewalain ang ating lakas, kagandahan, at ang ating kalusugan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media