Connect with us

Showbiz

Kristine Hermosa, wala pa ring kupas ang ganda sa edad na 38 taong gulang at mayroon nang limang mga anak!

Published

on

Si Kristine Hermosa Orille-Sotto o mas nakilala natin bilang si Kristine Hermosa ay 38 taong gulang na aktres na talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa angkin nitong kagandahan. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa napakaganda niyang mukha at pambihirang talent sa pag-arte.

Photo credit: Oyosotto instagram

Ilan sa mga proyekto niya na sinubaybayan talaga ng marami ay ang “Pangako Sa ’Yo”, “Sana’y Wala Nang Wakas”, at “Dahil May Isang Ikaw”. Sa kabila ng napakagandang karera niya sa showbiz ay mas pinili pa rin niya na tutukan ang kaniyang mga anak.

Photo credit: Oyosotto instagram

Mas ninais niyang maging ulirang ina at asawa sa kaniyang pamilya sa halip na gumawa ng marami pang mga proyekto sa telebisyon man o pelikula. Sa naging pagdiriwang niya ng kaniyang ika-38 taong kaarawan ay marami ang mas namangha sa angkin niyang kagandahan dahil sa tila ba hindi kumukupas ang mala-Diyosang ganda ng aktres.

Photo credit: Oyosotto instagram

Kahit pa nga mayroon na siyang limang mga anak ay naalagaan niya pa rin ang kaniyang kalusugan at pangangatawan. Para sa kaniyang kaarawan ay ibinahagi niya sa publiko kung gaano siya kaligaya at kung gaano siya kasaya sa piling ng kaniyang pamilya.

Photo credit: Oyosotto instagram

Lalong-lalo na sa piling ng kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto. Ang araw kasi ng kaniyang kaarawan ay araw din kung kailan inalok siya ng kasal ng aktor.

Marami ang kinilig sa post niyang ito at mas marami ang nagkakaroon ng inspirasyon mula sa kaniyang pamilya dahil sa hindi lamang masaya at kumpleto ito kundi nakasentro din sa Diyos ang buong sambahayan nila. Sa ngayon ay wala na silang mahihiling pa dahil sa napakaraming biyaya ang natatanggap nila mula sa Diyos tulad na lamang ng kanilang bunso na si Vittorio Isaac.

Photo credit: Oyosotto instagram

Nagpahayag din naman ang aktres na nais pa din niyang magbuntis muli kung kakaloobin ng Diyos dahil gusto pa nila ng isa pang anak na babae sa kanilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media